DRO/ALEJANDRO...
Pagdating na pagdating ko sa NAIA ay deritso na ako sa office at alam kong nagulat sila sa pagdating ko. Medyo nainis pa ako sa nadatnan ko kasi as usual, parang walang nangyayaring problema. At ease na at ease ang lahat kaya nagpatawag ako ng emergency meeting sa mga head ng bawat department.
"Mrs. Concepcion did you ever tried to talked to them... sana gumawa man lang kayo ng paraan to fix that issue, from the start kayo ho ang inapproached nila." tingin ko sa HR Manager namin. Magkasalubong pa rin ang kilay ko nang lingunin ko naman ang Vice-President. "And you Jeff', you are supposed to be the acting president here pero but nakarating pa'to sakin?"
"Dro', we did what should do pero g*go lang ang dela Vega na yan' eh... ni' isa samin dito eh 'di man lang pinapansin, they just want to talk to you only... anong magagawa namin." pagrarason niya. "I even threatened them na mapupunta eto' sa 'di maganda pero nothing's happened, they want you... only you."
Nahilot ko tuloy ang sintido ko.
"I'm sorry if I acted this way... akala ko'y walang magiging problema sa pagsali natin sa kanila." sabay buntong hininga ko. "But don't worry... I'll fix this thing out."
Nakita ko namang isa-isa silang tumango at ngumiti.
"Anyway Jeff' hope you could do something about the real state in Makati." lingon ko uli sa VP kong naging kaibigan ko na rin. "I'm still planning to have a branch in that city."
"Wag mo na 'yung isipin, ako nang bahala... yan' lang sa mga dela Vega." sagot niya. "The company is still on the top- list even without them... tsaka ang bago pa lang nila sa mundo natin kaya hindi natin sila kailangan."
Nagsipagtanguan naman ang iba dahil sa sinabi ni Jeff.
"Yeah..." buntong hininga ko at sumandal sa swivel chair. "Anyway, the meeting is adjourned." ngiti ko sa kanilang lahat pero si Jeff ay nagpa-iwan. "Salamat pala pare for taking good care of everything."
Ikinaway lang niya ang kanyang kamay.
"It's not about that I have a little shares in this business pare pero dugo't pawis ang ipinundar natin dito at 'di ko matatanggap na mawawala lang satin ang lahat ng ganun'-ganun' lang." aniya at tumayo na rin. "One thing lang gusto kong gawin mo sa mga contacts natin, sabihan mo naman sila pare na ako muna ang acting pres', nakakapikon kasi 'yung di' ka eacknowledge minsan eh.... gusto ko tuloy manuntok."
Napailing ako't napangiti sa sinabi niya.
"Pasensya na, I'll fix everything bago ako umalis ulit ok..." at tumango naman siya habang papalapit na sa pintuan. "Salamat ulit." pahabaol ko pa at sumaludo na lang ito bilang ganti.
Tahimik na rin akong tumayo at nilingon si Eveth na naghihintay lang sa tabi ng pintuan.
"Any news... letters for me?" lapit ko sa kanya at pasimpleng pina-una siyang pinalabas sa conference room.
"Wala naman sir, 'yung mga meetings na kayang ihandle eh fino-forward ko naman kay Sir Jeff, 'yun nga lang gaya' ng sabi niya minsan eh ikaw pa rin ang hinahanap." pagbabalita niya. Pinagbilinan ko kasi siyang eforward lang sakin ang mga chosen letters at most important files. "But, I always receive some messages from a Charmaine Delos Santos, sorry Sir if binubuksan ko, bilin niyo kasi remember sir."
Napatingin ako sa kanya habang naglalakad kami papunta sa office ko.
"Anong sabi?"
Nagkibit balikat lang ang secretary ko.

BINABASA MO ANG
Abandoned Husband
Tiểu Thuyết Chung. . This is the SEQUEL of the STORY HILING... Paano ba magmahal muli ang isang pusong iniwan? A story by ionahgirl23 . .