Naging mabilis ang paggaling ni Rebecca and with in three days lamang eh nailabas na namin siya. Gusto nga niyang tumuloy sa sariling bahay pero nagmatigas ang kanyang kapatid. Sa huli'y, magkakasama kami ngayon sa bahay ng mag-asawang Paul at Felicity.
Mula rin nang puntahan ko siya sa hospital na 'yun ay hindi nako' nakauwi pa kina Joey. Kaya dala na rin nang pagbisita nila kay Rebecca'y dinala na rin ng mag-asawa ang mga gamit ko.
"Di' ka pa ba aalis..?" pang ilang tanong na niya to' sakin'. "Babe baka m-malate ka, kawawa naman sila... pagod na nga sa byahe then papaghintayin mo pa..." kulit pa niya sakin'.
Masuyo ko lang siyang niyakap.
"Babe... 11:54 pa oh, ala-una pa 'yung nakasulat sa ticket nila." masaya kong titig sa kanya.
At least ngayon ay nagkakalaman na ang mga pisngi niya. Nakakalakad na rin siya nang maayos though andun' pa rin ang panghihina niya.
"P-pasensya naman... kinakabahan lang ako eh..."
Napakunot-noo ako sa kanyang sinabi.
"M-makikilala pa kaya ako ng... bata babe?"
Bahagya akong bumangon mula sa pagkakahiga namin sa kama at tinignan siya.
"Babe... bata pa si Kenneth, expect mo talaga na posibleng makalimutan niya ang isang tao." Napakaliit pa kasi niya nung' ipagtabuyan mo kami... sagot ng isipan ko pero agad kong isinantabi 'yun. Ok na kami ni Rebecca, bakit ko pa ba iisipin ang masakit na parteng 'yun sa buhay namin. Hindi rin naman niya kasalanan, biktima lang siya ng sakit. "Don't worry, sanay sa tao si Kenneth... mapapalapit ulit 'yun sa'yo." tsaka hinalikan ko siya sa noo.
Ngumiti na lamang siya at niyakap ang kamay ko.
"S-sana, eto' na... m-muli nang mabuo ang pamilya natin." aniya.
Ngumiti lang din ako at bago pa kami sakupin ng katahimikan ay kunwaring tinignan ko ang wristwatch ko.
"Twelve na pala..." sambit ko at tiningnan siya. "Pano' alis nako' baka mabagot si pogi sa paghihintay, iba pa naman yun' kung sumpungin." ngiti ko at pati ako'y naexcite rin sa pagdating ng anak ko.
Magte-three weeks rin akong napahiwalay sa kanya.
"Sige na, b-baka matraffic ka pa niyan' eh..."
Bumangon nako' at nilingon siya.
"Wala kang ipapabili?"
Umiling lang siyang nakangiti.
"J-just go home safely... ok nako'."
Ngumiti lang ako at isang halik sa noo ang iniwan ko sa kanya. Tuloy-tuloy na'kong lumabas ng kwarto namin.
Napagdesisyunan kong dito muna kami habang nagpapagaling pa si Rebecca...
REBECCA.
Kakaalis lang ni Kian, tanaw ko mula sa bintana ng kwarto namin. I released a big sigh as I'm returning to our bed. 'Di ko alam kung bakit nakakaramdam pa rin ako ng lungkot. He's with me now but I feel something, something that had been changed. I always heard from him those loving words, na 'di na kami maghihiwalay, na nandiyan lang siya para sakin' pero bakit nakakaramdam pa rin ako ng lungkot?

BINABASA MO ANG
Abandoned Husband
General Fiction. . This is the SEQUEL of the STORY HILING... Paano ba magmahal muli ang isang pusong iniwan? A story by ionahgirl23 . .