27.

1.9K 39 2
                                    



"On behalf of Air British and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day and welcome to Spain..."

Tahimik ko nang inayos ang kakaunting bagahe ko at tuloy-tuloy na sa arrival area. 'Di nga nagtagal ay napangiti ako nang makitang nakikipagsiksikan si Joey sa mga taong nag-aabang. Napailing ako at tiningnan siya ng masama nang magtama ang mga mata namin. 'Di man lang ba niya naisip na baka pwedeng maipit ang anak niya sa ginagawa niya?

"Tsk, kahit keylan isip bata ka pa rin..." tumigil ako sa harap niya habang nakakunot-noo pa rin ako. "Buti at hindi ka pa hinihiwalayan ni Jake sa pinagkikilos mo."

Nginusuan lang niya ako at isinenyas ang labasan.

"Lumabas ka na nga diyan," aniya at nakipagsiksikan ulit.

Ako naman ay nagpatuloy ulit sa paglalakad habang patingin-tingin lang sa mga taong paroo't parito. The last time I went here was just to hide lang pero I never knew, I'll find her here and the rest is history, pagbubuntong hininga ko at hinanap na ulit ang mag-asawa.

Agad akong napangiti sa scenario'ng natanaw ko. Si Jake na ang bumubuhat sa kanilang anak habang may hinahalungkat naman si Joey sa kanilang pink bag pack. Bahagya pa itong nakaluhod habang halos ibuhos na ang laman ng bag.

"Halina nga kayo, nakakadistruct kayo sa mga tao dito oh." natatawa kong turan sa kanila kaya napatingin agad si Jake sa akin habang si Joey ay tiningala lamang ako at ibinalik ulit ang atensyon sa hinahanap.

"Naiwan ko yata ang teether ni baby eh..." pakamot-kamot na lapit niya sa akin.

Napangiti lang ako at naalala ko tuloy ang anak ko, sana sinama ko na lang siya dito.

"Ilang ulit ko bang sabihin sa'yo na 'wag mo nang pakikialaman ang panlakad na gamit ng bata, nakakahiyang magpasuso dito ano." turan naman ni Joey.

Lalo lamang akong napangiti nang mapakamot ulit sa ulo si Jake.

"Halina kasi kayo at nang makauwi na tayo... nagugutom na yata itong prinsesa eh." sabay kurot ko sa namumutok na nitong pisngi. "Halika nga muna sa gwapo mong tito..." lahad ko sa magkabila kong kamay pero tinignan lamang ako ng bata. "Ha haha ayaw yata sa mga gwapo eh, tinuruan mo ba ito Joey?" natatawa kong tingin sa kabigan ko pero nang muli kong tignan ang bata ay nakangiti na ito sa akin. "C'mon baby... I'm your Tito Dro'." sa wakas ay nagpapakuha na sa akin. "You know, one day ipapakilala kita sa big boy ko... ano Jake ah, payag ka?" biro ko sa kanila.

Nagthumbs up si Jake.

"Naman, secured na ang future ng princess ko... mayaman na ang magiging father in-law, gwapo pa at higit sa lahat hari ng pagiging loyal ha haha... san' ka pa."

"Dyan tayo eh... ha haha."

"Hay naku' tumigil kayong dalawa, hoy Montenegro... anak ko rin yan' ano at iconsider mo naman ang opinion ko." mataray niyang turan sa akin. "My answer is no... magiging kawawa lang ang anak ko noh', lahi kayo ng playboy."

"Inaano ba kita diyan, pumayag na si Jake kaya 'yang opinion mo... or should I say second opinion eh ala' na 'yan..."

"Tsss mukha mo, halina na nga kayo."

Nagkatinginan lang kami ni Jake at pinipigil ang tawang sumunod na kay Joey. Mula nang maging komplikado ang buhay ko'y lalo na sa totoo kong sitwasyon ay ngayon lang akong nakatawa ng totoo. 'Yun bang, wala kang iniisip, wala kang dinaramdam, wala kang inaalala kundi' kasalukuyan.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon