3.

5.2K 102 2
                                    

For DemilynSolon na pinaiyak ko raw sa HILING, sana dito sa AH... Mapapatawa kita, mamapa-inlove at mapapaiyak uli :-)

      


            Naalimpungatan ako sa dumadaan sa pang-amoy ko. Parang perfume ng babae ang paminsang-minsa'y nalalanghap ko. Gumalaw ako at kinapa ang isang unan na naging maliit sa kamay ko. Pinilit kong idinilat ang isa kong mata.

Teka... kwarto ko ba'to?

Agad akong napabangon nang maaninag ko ang color ng kwarto. Light purple eh samantalang sa akin ay normal wall color na beige.

Inilibot ko ang paningin ko, nakita kong mahinang naka-play ang maliit na player sa ibabaw ng mesa. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang nasa frame. Agad kong sinilip ang katawan kong nababalutan ng makapal na kumot.

Ang brief ko, 'andito pa rin!

Naitakip ko uli ang malaking kumot nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Hilda? Hindi si Helena yata... o Hemelda? Ewan basta ganun' ang simula ng pangalan niya.

Napangiti ito nang makita akong nakaupo sa gitna ng kama... niya malamang.

"Hey you're awake na... here some hot chocolate para mawala ang headache mo." masuyo siyang sumampa sa kama habang marahan niyang itinulak palapit sa akin ang tray na may lamang umuusok na chocolate, tubig at ilang cookies. "Kain na..." nakangiti siyang humarap sa akin na bahagyang nakaupo.

 Hindi ako kumibo, may hinahanap ako pero hindi ko makita.

"What's it?" tanong niya nang mapansing patingin-tingin ako sa paligid.

"Anong oras na...?" mahina kong tanong at agad itinikom ang bibig. Alam kong makakapatay ng langaw ang amoy nito ganun' pang uminom ako kagabi.

"Ah it's eight o'clock and forty one minutes." masigla niyang sagot.

Agad akong tumalon mula sa kama at hinanap ang damit ko't mga gamit. 

Si baba at ang bata! sigaw ng isip ko. Nang hindi ko mahanap ang hinahanap ko'y tiningnan ko na siya. Umiiwas na ako kanina pa pero talagang nanunukso ang pagkakataon. Nakashort lamang siya nang maiksi at nakasando ng puti.

"Ah eh... Hemelda..." Paniniyak ko habang sa kanya pa rin nakatingin. Nakita kong sumimangot siya kaya binago ko. "Ah Helena..." iniba ko na naman ang tunog, putang i**ng pangalan 'yan hindi ko matandaan! "Eto na lang... may... alam mo na... tayong dalawa?" hindi ko masabi-sabi na nagsiping ba kami?

"What do you mean na tayo?" nagtataka niyang tanong.

"Shit!" tahimik akong napamura, tanga yata ang babaeng ito. "Sabi ko kung nagsex ba tayo kagabi ganun'..." pagpapaintindi ko. "Yun, 'yun na nga."

"Oh my God!" bigla itong napatayo sa kama at nameywang. "Hindi ako pumapatol sa mga lasenggero, aisst!" irap niya sa akin. "Dinala kita dito sa bahay kasi hindi mo na masabi sa akin ang address mo tsaka nagsusuka ka kagabi!"

 "Ok, ok." taas ko ng kamay. "Saka na tayo mag-usap ah, nasaan ang damit ko at mga gamit?" agad kong tanong sa kanya.

Sinimangutan niya ako at lumingon sa hinigaan ko.

"Ayan oh blind jerk! Nilabhan ko pa 'yan, bahala ka nang magplantsa." turo nito sa nakatupi kong pantalon at damit, cellphone at mga susi. 

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon