Ysabel...
"For Christ's sake Ysabel! What have you done huh... napakatonta mo talagang bata!" hindi magkamayaw si daddy sa pagsinghal sa akin habang palakad-lakad siya sa harapan namin ni mama. Tahimik namang hinahagod ni mommy ang likod ko at maya't mayang pinipisil ang mga kamay ko. "Kung hindi pa tumawag ang tita mo'y 'di ko pa malalaman na wanted ka na pala!" muli na naman niyang bulyaw sa akin.
"Eduardo... boses nimu'..." singit ni mommy.
"Sige kampihan mo ang babaeng 'yan, wala akong pakialam kahit na malaman ng buong Pilipinas!" nanggagalaiting singhal na naman nito at ngayon ay kay mommy siya nakatitig. "Baka ako pa ang maghatid niyan' sa Muntinlupa eh!"
Maya't maya na akong napapahinga nang malalim pero kinokontrol ko pa rin ang sarili kong 'di sumagot. Alam ko kasing galit na galit si daddy ngayon.
Nahagip ng mga mata kong inirapan siya ni mommy at muli akong hinarap.
"Nak'..." magsasalita sana si mommy pero muli na namang sumingit si daddy.
"Wag mo na 'yang kausapin nang matino, ang matinong tao'y hindi gagawa ng ganitong kabulastugan!"
Nakuyom ko ang magkabila kong kamay at dahan-dahan siyang tiningala.
"Dad' hindi po ako guilty..." mahinahon kong depensa sa sarili ko.
"The fact na nandun' ka ng gabing 'yun Ysabel." galit niyang lingon sa akin. "Hindi mo ba naisip na pwedeng maging blackmail 'yan sa negosyo natin, you know how hard to compete, to fight knowing na hindi mo kilala ang ibang kakompetensya mo huh!"
Huminga ulit ako at pinaaliwalas ang pakiramdam ko.
"So hayaan niyo na lang po ako..." sabi ko. "I'd manage to be like this... papanindigan ko po hanggang sa malinis ang pangalan ko lalong-lalo na ang pangalan niyong idinawit ko."
Agad siyang napalingon sa akin at lalo pa yatang naningkit ang mga mata niya. Inilang hakbang niya ako at ang huli ko na lamang na narinig ay isang malutong na...
Pak!
"Ikaw pa ang may ganang magsalita ng ganyan ah!"
Napasigaw naman si mommy at halos hilahin si daddy sa harapan ko.
"Eduardo ano ba, hindi nakakatulong 'yan sa problema natin ngayon!"
"Tsk!" iling lamang ni daddy at sarkastikong ngumiti sa amin. "Tama ka nga siguro Sylvia, hindi ako nakakatulong?" aniya. "Sige, pagtulungan niyong lutasin ang problemang ito, ang problemang binigay sa'yo ng sarili mong anak... sabagay ang isang tunay na Chengma'y 'di ganito ka gago." madiin pa niyang sambit at pabagsak na pinalis ang kamay ni mommy.
Ilang segundo nang wala si daddy sa harapan ko pero di' pa rin ako makakilos. Parang kandila akong naninigas na nakatayo habang unti-unting nawawalan ng lakas. Lakas dahil sa mga salitang pilit na tumatagos sa puso at isipan ko.
"Nak'... anak, 'wag mong intindihin ang sinasabi ng daddy mo ah... suko' lang siya." pilit siyang ngumingiti habang naaaninag ko na ang mga namumunong luha sa kanyang mga mata.
Umiling ako habang kinokontrol ko rin ang sarili ko pero nang magsalita ako'y 'di ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
"Totoo ba my'...?" garalgal kong tanong sa kanya habang tahimik nang umaagos ang mga luha ko. "K-kaya pala... kaya pala ang layo ng loob nila tita sa akin." muli kong hinuli ang mga mata niya na ngayon ay umiiyak na rin. "K-kasi... 'di nila ako t-tunay na pamangkin?"
BINABASA MO ANG
Abandoned Husband
General Fiction. . This is the SEQUEL of the STORY HILING... Paano ba magmahal muli ang isang pusong iniwan? A story by ionahgirl23 . .