2.

6K 100 4
                                    

       

             Alas-nwebe na ako nakaalis ng bahay, inayos ko pa ang kalagayan ng dalawa. Ilang beses nang tumatawag si Justine, 'andun na raw si Lutz kaya binilisan ko na ang pagpatakbo sa kotse ko. Ganito na ang night life ko, saan ang bagong bukas na bar o sikat na bar. Asahan mong makikita ako doon kasama ang sino mang available sa mga kaibigan o kakilala ko.

Hindi siguro ako makakatulog kung hindi madantayan ng alak ang lalamunan ko.

Napalo ko ang manibela ng sasakyan nang sumingit sa harapan ko ang isang sports car. Tinaasan ko ng kamay  at ibig kong sabihin ay "bakit"?

"Gago!" sabay sigaw ko at sinilip pa siya sa ibinaba kong windshield. "Kunin mo na oh, iyong-iyo na!" lahad ko sa daan.

Hindi man lang ako pinansin ng nasa loob nito dahil tuloy-tuloy itong pumwesto nang maayos sa unahan ko. Gago talaga, ngayon pa ako uunahan eh may hinahabol ako. Pero napahinga ako nang maluwag nang dahan-dahang tumakbo ang mga sasakyan sa unahan ko.

Napapalingon ako nang masabayan ko ang mint green na sports car. Parang iisa lang ang tinatahak naming daan ah. Binilisan ko na ang takbo ng kotse ko at inalis sa isipan ko ang namumuong interes sa laman ng kotseng 'yun.

Agad na ako nagparking sa bakanteng lugar sa harapan ng Penguin Cafe. Hindi pa namin ito madalas na napupuntahan kaya ito ang pinili ni Justine.

        



            Tiningala ko muna ang sumisikat na cafe bar bago ako lumapit sa entrance nito.  Agad kong ipinakita ang ID ko sa bouncer na nasa pintuan. Pagkakita ay tumango siya at iniawang ang pinto. Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang malakas na tugtog, ang madilim na paligid ngunit sinasayawan ng iba't ibang kulay, ang halo-halong boses na naririnig ko kahit saan at ang mga imahe ng katawan na umiindayog sa maliit nitong pabilog na stage na nasa harapan ng kumakantang residence band.

May lumapit sa aking waitress at binulungan ako.

"This way Sir..." sabi nito at bahagyang binugahan ng hininga ang tenga ko.

Inaninag ko ang puwet niya sa maiksi nyang palda habang sinusundan ko siya sa paglalakad. May kalakihan ito kaya nawalan ako ng gana, ayuko sa sobrang malalaking puwet. 

Naalala ko tuloy si Yvonne, p*ta hindi man lang ako nakaraos bago siya umalis. Ilang araw na ba akong tigang, timing naman kasing nagkaroon ang isang 'yun at ngayon nga ay umalis na. Naramdaman kong pumitlag ang nasa ibaba ko habang iniisip ang kasarapan sa ibabaw ng kama.

Nabunggo ko pa nang bahagya ang humintong waitress kaya mabilis kong itinaas ang dalawa kong kamay.

"Sorry, hindi 'yun sadya." malakas kong sambit sa kaharap ko.

Naaninag kong ngumiti lang siya at inilapit ang mukha. Akala ko hahalikan niya ako pero bumulong uli.

"Buhay ah... naghahanap yata nang mag-aalaga sa kanya..."

Napangiti ako at napa-oh ng walang tunog sa katapangan ng babaeng ito.

Bulgar at wala ng hiya.

"May asawa ako miss kaya sorry." sagot ko sa kanya nang pabulong.

Agad siyang lumayo sa akin at bahagyang yumuko.

"My apology Sir..." sabi nito.

Napapailing akong napapangiti sa inaakto ng babae. Akala mo'y nakagawa nang malaking kasalanan.

          


           Umupo na ako sa tabi ni Justine at nagkamay kami. Si Lutz naman na tumatango at mahinang sinasabayan ang kanta ay binigyan ko lang ng high five. Nakakaisang bote na sila ng Venica Ronco delle Cime o simpleng tawaging VRC. Ang cafe lang kasing ito ang nag-iimport ng ganitong wine na galing pa sa northern Italy.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon