14.

2.2K 59 7
                                    



              Hindi ko inaasahan na ang pag-uwi kong 'yun ay matutuloy kami sa hospital. Naguilty tuloy ako para sa tatay ko, lumala kasi ang nararamdaman niya sa kanyang tuhod. At kahit inassure naman ako ng doctor na tumaas lang raw ang uric acid niya'y alalang-alala pa rin ako sa kanya. 'Di ko tuloy alam paano ko pagkakasyahin ang sarili ko idagdag pa ang anak kong 'di pwedeng ipasok sa hospital. Tinawagan ko muna si Eveth para bantayan saglit si baba while ako naman ang pumunta ng office. Gusto ko lang magpatawag ng emergency meeting para sa staff ko at ipagbilin kay Clarence, Assist. Gen. Manager ko ang lahat lalong-lalo na ang mga nakaschedule kong meetings.

Past one na nang maisa-ayos ko ang lahat at napatingin naman ako sa wallclock. Kailangan ko nang palitan si Eveth dahil hindi naman niya obligadong gawin ang personal kong buhay.

Habang tinatawagan siya'y sinulyapan ko ang anak kong nakatulog na sa paglalaro.

"Eveth... musta diyan?" bungad ko agad nang sagutin niya ang tawag ko.

"Ok lang naman ho Sir, may schedule ang papa niyo mamayang five sa x-ray room" pagbabalita niya.

"Ah ok, idadaan ko lang si Kenneth sa kaibigan ko and then tutuloy na diyan." sabi ko sa secretary ko. "After that, pwede' ka nang umuwi... inaasign ko muna sa table mo si Gecile."

"Naku ok lang Sir Dro, wala naman akong ginawa rito... babalik na lang ho ako sa office."

"Ok, its up to you... basta iupdate mo na lang ako sa lahat nang mangyayari ok." pahabaol ko pang bilin sa kanya. "Sige na, tatawagan na lang kita ulit if malapit na ako diyan, salamat." pinatay ko na ang tawag at hinanap ang number ni Justine. "Tol' kailangan kong iwan muna sa'yo sandali si Kenneth." seryoso kong sambit sa kanya, alam na niya pag' ganito ang tono ng boses ko'y alam niyang importanteng bagay ang sasabihin ko. "Naconfine kasi ang matanda sa hospital, tumaas raw ang uric acid."

"Ganun ba, walang problema ihatid mo na lang sa bahay 'andun din si Ellen."

Napakunot-noo ako sa narinig ko.

"Bakit, 'asan ka na naman niyan?" ibig palang sabihing wala siya dito sa Manila?

"Nasa Gen. Santos ako, ginagawan ko ng documentary ang isang indigenous tribe dito... matatapos ko na'to kaya agad akong uuwi diyan."

Haist' napamura ako!

"Geh' na pare, dadalhin ko na lang si Kenneth... nakakahiya kay Ellen." pabuntong hininga kong sambit sa kanya at nahilot ang sintido ko.

"Gago! Kilala mo na si Ellen mahihiya ka pa, sige na... ihatid mo na 'dun ok, geh' na pre at nang matapos ko na'to." pinatay na nito ang tawag ko habang ako'y napatitig na lamang sa anak kong natutulog pa rin.

Naisip ko rin si Lutz pero 'di ko na didisturbuhin ang isang 'yun kasi alam kong wala siyang alam sa pag-aalaga ng bata. 'Di 'yun umuuwi sa kanyang mga magulang at mag-isa lang na namumuhay. Sa ibang bagay ko na lang siya hihingan ng tulong at 'yun ay magbantay sa matanda if tatagal pa kami sa hospital.

Naisip ko si Ysabel, wala na talaga akong choice kundi' dalhin sa kanyan ang bata.

Tahimik kong ginalaw ulit ang cellphone ko at tinawagan ang isa ko pang kaibigan, ang nagsisilbing personal lawyer ko sa negosyo at sa naging kaso namin ni Rebecca noon, si Juancinto.

"Etoh' pare, musta?" bati ko sa kanya. Masigla naman niya akong kinausap hanggang sabihin ko sa kanya ang pinoproblema ko ngayon. "Pare, nagkasalubong ulit ang landas namin ni Rebecca."

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon