4.

5.4K 93 4
                                    

          


             Maaga akong umuwi ng bahay, inasikaso ko ang dalawang lalaki sa buhay ko. Ang tanging matatawag kong pamilya. Sa lahat nang nangyari sa akin, akala ko mabubuhay lang akong mag-isa sa mundo pero 'andito pa rin sila para sa akin, para bigyang kulay ang bawat oras na dumadaan sa buhay ko.

Mahigit dalawang taon na yata o saktong tatlong taon na akong ganito, nabubuhay dahil hindi pa namamatay. Ugali ko nang magliwaliw, mag-aksaya ng pera at oras sa mga walang kwentang bagay at magpalit-palit nang kinakasama.

Ganun' eh, baligtad sa buhay ko noon.

Napalingon ako kay Kenneth na patakbong lumalapit sa akin. Napangiti ako at marahan siyang binuhat. Kinandong ko siya at pinaharap sa sinag ng araw na bumababa sa likod nang matatayog na building.

"Pababa na ang araw anak, bukas na naman... bagong umaga para sa ating dalawa." wala sa isip ko na nasambit ko 'yun at hinalikan siya sa buhok.

Uminat naman ang bata at pilit niya akong tiningala patalikod.

"Bab-ba..." pinipilit niyang bigkasin.

Napangiti uli ako, siya ang nagpapangiti sa akin ng totoo. Ngiting kinalimutan ko na nang iwanan ako ni Rebecca. Natigilan ako at tumingin sa araw, kumusta na kaya siya? Ipinilig ko ang ulo ko sa mga pinagsasabi ng utak ko. Matagal na ang panahong naghiwalay sa amin.

Binuhat ko nang bahagya ang bata paharap sa akin at tiningnan ito. Ngumiti naman ito at inilamukos ang mukha sa dibdib ko.

"Gusto mo punta tayo kay mommy?" parang totoong  kinakausap ko siya.

Tumingin lamang ang bata sa akin kaya binuhat ko na siya nang maayos at tumayo. Pinatay ko ang papaubos kong cigarette sa ash bowl nito at masuyong niyakap-yakap ang bata. Pumasok ako sa kwarto ko at inilapag ko siya sa gitna ng kama.

Tiningnan ko lang ang itsura ko sa salamin at nagpalit lang ng damit.  Pinili ko ang isang sando kasi mainit pa ang araw sa labas kahit hapon na. Hindi ko na pinalitan ang kupas kong pantalon na kulay beige dahil dadalawin lang naman namin ang ina niya. Bumaling na ako sa anak ko at kinuha siya.Tiningnan ko lang kung puno na ang diaper niya, hindi pa naman kaya magbabaon na lang ako ng extrang diaper.

Lumabas ako habang buhat ko ang bata. Bahagya kong sinilip si baba na busy sa kanyang laptop, siguro nagbababad na naman sa kanyang facebook.

"Ba..." tawag ko sa kanya.

"Hemmm..." sagot nito na hindi lumilingon.

"Labas muna kami, you wanna' come?" tanong ko sa kanya.

Kumaway siya at umiling saka nagsalita.

"No... just buy for me a mashbusha in Hossien's, I want to know the difference between with us and with that restaurant..." sabi nito.

"Ok," umalis na ako at tumuloy sa kusina habang binubuhat ko pa rin si Kenneth. Pinaupo ko siya sa ibabaw ng mesa at nagsimulang magtimpla ng gatas. "Hindi ka na dapat dumedede... malaki ka na eh." ngiti ko sa nakatingin lamang na bata at nag-aabang sa kanyang gatas.

Pagkatapos ko'y ibinigay ko sa kanya ang ginawa ko na agad naman niyang dinakma. Humiga siya sa mesa at isinubo ang dede. Napangiti ako at ginulo ang kanyang buhok, nagkakaisip na talaga.

Gumawa ako ng isa pa at inilagay sa maliit naming dalang pack bag.

Hinintay ko lamang na matapos siya sa pagsuso at nagpaalam uli ako kay baba. Papalabas na ako nang magsalita ako nang malakas.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon