11.

3.3K 73 9
                                    

        


           Ngayon lang mapanatag ang loob ko mula nang mapasok ako sa prisentong 'yun. Akala ko talaga'y malalagay na ako sa peligro but thanks God kasi si Sir Alejandro pala ang kumuha sa akin.

Hay, hell with this life!

Buntong hininga ko at tahimik na tumanaw sa dinadaanan namin. Malalim na ang gabi pero ang isipan ko'y buhay na buhay pa rin sa kakaisip kung ano na ang mangyayari? Kokontakin ko na ba si daddy o magpapatulong sa lalaking ito?

Napatingin ako sa unahan at nang magtama ang mga mata namin sa front mirror ay agad akong umiwas ng tingin. Siguro tutulungan naman niya ako dahil nandito na nga siya at kinuha ako.

"Umidlip ka muna." napatingin ulit ako sa kanya nang marinig ko ang boses niya. "You can use Yugo's cellphone para kontakin ang kaibigan mo, kakakita lang namin kanina." dagdag pa niya.

Hindi ako kumibo, nilingon ko lang ang lalaking katabi ko at nang umangat siya ng mukha ay agad na ngumiti.

"Sorry pala kanina, kailangan sa acting eh." ngiti pa rin niya at kinuha ang isang cellphone sa kanyang bulsa pero tiningnan ko lamang ito at tumingin ulit sa labas. "Suplada," hindi nakaiwas sa akin ang bulong niya pero hinayaan ko na lamang.

Mas iniisip ko kasi ang magiging takbo ng kaso ko ngayon. Baka lalong lalala ganitong tumakas ako. Muli na naman akong napabuntong hininga at isinandal ang ulo sa head board ng upuan.

"Don't worry, hindi pa rin 'to lalabas sa media... pagtiwalaan mo 'yang si Yugo." muli ko na namang narinig ang boses niya pero nananatili pa rin akong nakapikit. "Pare, hanapan mo nga ako ng magaling na abogado... kahit magkanu walang problema, babayaran na lang sa akin ni Miss Chengma ang magagastos." napadilat ako sa kanyang sinabi at tiningnan siya sa front mirror.

Sa pagkakataong ito'y nakita ko na ang simpleng ngiti sa kanya kaya umayos ulit ako ng upo.

"Gusto kong kontakin sina Mr. de Leon at Bautista Sir Alejandro." sabi ko sa kanya dahilan para mapalingon silang dalawa sa akin. "Ah sila ho ang abogado at mag-imbestiga sa kaso ko." pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Matatagalan lang ang kaso mo Miss Chekwa, sa tingin mo'y di' pa nababayaran ng kalaban mo ang mga lalaking 'yun?" sulyap sa akin ng nagngangalang Yugo at kinalikot ulit ang cellphone. "May naiisip ako eh... teka' lang ha." aniya at tumutok na nga dito.

Muli ko namang tiningnan si Alejandro sa front mirror.

"Saan niyo pala ako dadalhin ngayon?" tanong ko at sinulyapan ang dinadaanan namin.

Sa ngayon ay madalang na akong nakakakita ng mga building at puro kabahayan na lamang ang nakahelira sa tabing daan. Malamang ay out of town na kami ngayon.

"Sa rest house ni Yugo, dun' ka muna maglalagi hangga't inaasikaso ang kalagayan mo." aniya habang mabilis na nagdidrive. "Ayaw mo bang kontakin ang kaibigan mo?" pang-uulit niyang tanong tungkol kay Charmaine.

Umiling ako at sumandal sa upuan.

"Saka na lang sir, alam kong pinagmamatyagan rin siya kaya iwas na lang muna sa dagdag gulo." sagot ko.

"Oh! I found you man..." bulalas ng katabi ko kaya napalingon na rin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at kinalabit si Alejandro. "Ano tatawagan ko na ba siya ngayon, 'di 'yun makakatanggi sa akin eh he hehe laki ng utang na loob 'nun sa akin."

"Sino ba 'yan?" tanong ni Alejandro.

"Isang dating kaibigan pero 'di na kami nagkita, about 8, 10 years ago... via net na lang kung magkamustahan." kwento ni Yugo at kinuha ang isang cellphone. "Ano tawagan ko na pare para magkausap kayo ng personal ngayong gabi rin."

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon