8.

3.9K 94 34
                                    


YSABEL...


           I don't know kung ilang oras na ako sa silid na'to. I want to contact him pero wala akong makausap, nakasara rin ang pinto at kahit anong pagtawag ang gawin ko'y parang walang nakakarinig sa akin hanggang dumaan uli ang ilang oras bago ako nakarinig ng ingay sa labas.

Napatingin ako nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang lalaking may katandaan na.

Marahan silang umupo sa harapan ko at tumitig sa akin na nakaupo lang sa sahig.

 "Magandang araw sa'yo Ysabel Jean... ako si Insp. Bautista." pakilala niya sa akin at tumango. "Ako ang hahawak sa kaso mo, sa pag-iimbestiga kaya mas mabuting sabihin mo na sa akin ang lahat para mapadali ang kaso mo Ysabel." sambit niya.

Hindi ako kumibo, nakatingin lamang ako sa kanya.

"Self defense ang nangyari..." tanging nasambit ko at tumahimik uli.

Bumuntong hininga naman ang lalaking nakatayo sa tabi ni Insp. Bautista saka umupo ito sa bakanteng upuan paharap din sa akin.

"Halika, paano kita matutulungan kung ganyan ka sumagot?" harap nito sa akin at may dinukot sa dala niyang attache case. "Ako si Atty. de Leon... ang magiging attorney mo." sabi niya saka inilatag ang mga pictures mula sa crime scenes at karamihan dito ay body parts lang nang nasaksak ko.

Napatingin ako sa isang nakalitaw at napakunot-noo ako sa nakita ko. Kinuha ko ito at tiningnan muli, bakit nagkaroon ng mahabang gilit sa kanyang leeg eh sa pagkakatanda ko'y nasaksak ko lang siya 'dun, bahagyang sasak lamang.

Tiningnan ko ang dalawang lalaki saka inilapag ang hinawakan kong picture.

"H-Hindi ganyan ang pagkakaalala ko sa kanya, nasaksak ko lamang at hindi ginilitan." sambit ko at tumingin sa picture. "Sa pagkakatanda ko'y mababaw lang ang pagkakasaksak ko sa kanya dahil nagawa pa niyang kumilos pero agad na siyang nalapitan ng mga tao tsaka..." nakakunot noo pa rin akong nag-iisip habang nakatingin sa kanila. "Paano ko siya magigilitan kung ang gamit ko lamang ay basag na bote, nagawa ko 'yun dahil sinakal niya ako." 

Hindi nagsalita ang nagngangalang Attoy. de Leon. Tiningnan lamang niya ako at may kinuha uli sa kanyang dala. Ilang piraso naman ng mga pictures ang nakita ko.

 "Kilala mo ba ng personal ang lalaking 'yan?" tanong sa akin ni attorney saka ibinigay niya ito sa akin. "Siya si Lyndon Ortega ang nasaksak mo, malakas ang kapit ng pamilya niya sa gobyerno Ysabel kaya kung hindi tayo kikilos agad... habang buhay kang makukulong." sabi niya sa akin habang ako naman ay tahimik na pinagmamasdan ang lalaking nakangiti sa picture.

Siya pala si Lyndon, ang nasaksak ko...

"Ysabel... ano ngayon ah?" tawag pansin ng dalawa sa akin at nauna nang tumayo si Insp. Bautista. "I have an appointment with the local witnesses kaya kung hindi ka muna makakapagsalita ngayon ay babalik na lang ako bukas." sabi niya habang inaayos ang kanyang jacket. "Mag-isip ka... buhay mo ang nakataya dito at naniniwala akong wala kang kasalanan... 'yun nga lang malakas sila Ysabel."

Tumango lang ako at napatingin sa tumayo na ring attorney.

"Gaya ng sinabi ni Bautista, naniniwala rin ako pero kailangan nating lumaban ng maingat." sabi niya at lumapit sa kasamang nasa pintuan na. "Tinutulungan kita pero dapat tulungan mo rin ang sarili mo... sabihin mo sa akin ang lahat." sabi nito at tinalikuran na ako pero mabilis ko silang natawag.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon