34. Ending- Part 1

3.2K 42 1
                                    

This is it! Ending na po at sana magustuhan niyo. Salamat sa lahat! Kay "armitokis" na (di' ko alam actually ang magiging reaction niya ha ha) saludo ako dahil sa... basta lagi lang siya andyan' para sa story'ng ito, sana 'di ka magbago. Sa lahat ng ngcomments, nagvotes, silent readers na nagandahan sa life & love story ni Kian/Dro' salamat po...




Pakiramdam ko'y nasa isang napakadlim akong lugar na kahit ang pagkilos ay kinatatakutan kong gawin. Gusto kong maglakad, maghanap kahit na kunting sinag ng liwanag pero puro kadiliman lamang ang nakikita't sumsukob sa pagkatao ko. Sumasabay pa ang nararamdaman kong init sa buong katawan ko, ang paninikip ng dibdib ko sa paghinga at ang uhaw na kanina ko pa narararmdaman.

"Hoh! tulongggg....!" halos ibigay ko na ang lahat ng lakas ko sa sigaw na 'yun pero wala pa ring nangyayari. Naiiyak kong kinapa ang paligid at nagpasyang umupo. "Dios ko, nasaan bako'?" kahit wala akong makita'y tumingala pa rin ako. "Tulungan niyo po ako, tulungan niyo ko'." at napapikit na ako ng tuluyan.

Pakiramdam ko kasi mamamatay na ako sa kalagayan kong ito pero agad rin akong napadilat nang makarinig ako na parang boses. Kung saan man ito galing ay di' ko na alam basta ang hina lang nila. Oo, nila dahil parang may nag-uusap lamang.

"Ikaw na'ng kumausap..." mahinang turan ng unang boses.

Kahit parang pabulong lamang ang dating nito sa akin ay naiintindihan ko pa rin.

"Ikaw na, 'di ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya." tanggi naman ng ikalawang boses.

"Tsk, ako na lang lagi..." iritado nang sambit ng unang boses.

At 'di nga nagtagal ay parang may kinakausap na ito.

"Hanggang ngayo'y wala pa ring malay eh... p-pero sabi naman ng doctor mabuti na'ng kalagayan niya."

"H-ha, kumusta na siya, keylan pa...?"

At sumunod ay ang nakakatulig na katahimikan.

"Si Rebecca... raww... isiiii..."

'Di ko na maintindihan ang mga sinasabi pa ng boses. Unti-unti na kasi itong nawala sa kawalan.

Kaya bumalik na naman ako sa pag-iisip.

Oo ngapala, nasaan na kaya siya, nasaan na kaya si Rebecca?

"Rebecca? Rebecca..." nagpasya akong tumayo at kahit wala akong makita ay parang tanga lang akong naglakad. "Rebecca, Rebecca! Naririnig mo ba ako?! Tulungan mo'ko rito... Rebecca, Rebecaaaaa!"




"U-ugh..." ungol ko dahil nakaramdam ako ng pangingirot sa tagiliran ko. Ngayon ay naririnig kong muli ang mga boses na 'yun, patuloy na nag-uusap. Kaya nagpasya nakong dumilat kahit na nanlalabo pa rin ang paningin ko. "T-tubig..." anas ko at dun' lang yata ako napansin ng dalawa.

Agad silang lumapit sakin'.

"Dro' pare... gising ka na!" masiglang bulalas ni Justine sakin. "Lutz,tumawag ka ng doctor bilis pre'."

Tinapunan na nga lang ako ni Lutz ng tingin at nagmamadali na itong lumabas ng kwarto.

"Pare, kumusta... ok lang ba pakiramdam mo o may nararamdaman ka?" sunod-sunod na tanong nito sakin'.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon