12.

2.9K 63 11
                                    


ALEJANDRO/DRO...


"Kendrick Fernandez pare." pakilala ng lalaking tutulong sa kaso ni Ysabel pero hindi sa kanya natuon ang atensyon ko kundi' sa kasama niyang masaya nang nakikipag-usap sa babae ni Yugo.

"Alejandro Murrack." pormal kong pakilala rin sa sarili ko at marahan ko nang binawi ang kamay ko sa kanya sabay lahad uli sa mahabang sofa. "Well babe... pwede' mo nang e-open up sa kanya ang totoong nangyari." lingon ko kay Ysabel na tahimik lamang na naka-upo.

"Ehem!" tikhim naman ni Yugo at pangising lumapit sa akin. "Pare... 'di mo naman pala sinabi sa akin ang status niyo ni Mis-'Maam Chekwa!" sabay tapik sa balikat ko at nilingon si Ysabel. "Sorry kanina 'Maam napatulan ko kayo sa pagbo-boxing." malapad pa rin ang ngiti nito.

"Gago, kailangan ko pa bang sabihin sa'yo ang lahat... siguro kahit ang mga naikama ko na'y interesado ka pa." pailing-iling kong tugon sa kanya at umupo na sa tabi ni Ysabel sabay lahad ko sa kamay ko sa headboard ng sofa para maakbayan siya.

"Ha haha, why not!" tawa nito at nilingon si Kendrick na nakalean smart nang nakaupo at napapangiti na rin. "Pare, masanay ka na... mas balahura pa ang isang 'to keysa sa akin kaya ganito na kami sa isa't isa... anyway diyan lang kayo at maghahanda lang kami ni Trish' nang makakain," paalam niya at tinawag ang babae. "Baby c'mon, share mo naman sa kanila ang specialty mo." kaway nito sa girlfriend niya.

"Ok..." lingon nito at tinignan ulit si Rebecca. "Excuse me for a while sissy'." paalam nito kaya napaharap siya sa direksyon ko.

Napisil ko ang kamay ni Ysabel na hawak-hawak ko pa rin kaya siguro napalingon siya sa akin at nagtanong.

"B-bakit?" tanong nito at pilit na namang binabawi ang kamay pero lalo ko lamang itong hinihigpitan.

"Nothing..." ngumiti ako. "Just go on to your business darling, alam natin na busy'ng tao si Mr. Fernandez."

Nang mag-usap ulit sina Ysabel at Kendrick ay malaya ko na naman siyang natignan. Tahimik lamang niyang kinakalikot ang cellphone niya at maya-mayang napapatingin kay Kendrick dahil siguro sa pinag-uusapan nila ni Ysabel.

Napabuga ako ng hininga saka marahang sumandal habang palihim ko pa rin siyang tinitignan.

Bakit kanina'y 'di ko malaman ang gagawin ko pero pinilit ko talagang 'di ipahalata sa lahat ang totoong nararamdaman ko, naghalu-halo na kasi. Galit, pagtatampo, panggigigil sa mga tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring sagot.

Muli na namang humigpit ang pagkakahawak ko kay Ysabel sa isang tanong na biglang pumasok sa isipan ko ngayon.

Nasa puso ko pa ba siya?

Napailing ako at napapikit sabay hilot sa sintido ko.

The f*ck with you Rebecca! Wala ka na sa akin! 

"Hey are you okay?" pagdilat ko'y nag-alalang mukha ni Ysabel ang nabungaran ko.

"I'm okay, stressful lang ang araw na'to sa atin... right?" ngiti ko sa kanya. "Sige na..." tukoy ko sa nahinto nilang pag-uusap ni Kendrick. "Pare, ikaw nang bahala..." paalam ko at nang ngumiti ito at tumango ay pumikit ulit ako at sumandal na nang tuluyan sa sofa.

Gusto ko lang marefresh ang utak ko, marelax. Basta gusto kong mawala kahit saglit sa sitwasyong kinaroroonan ko pero...

-----Kukunin kitang asawa ko pansamantala... hindi habang buhay ok kaya 'wag kang matakot," natatawa ako.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon