Alejandro/Dro
Pagkapasok ko'y agad akong pumunta sa kitchen area at kumuha ng beer in can. Umupo ako sa parang mini-bar ang design na karugtong lamang ng kusina. Agad kong binuksan ang inumin at deritso itong ininom.
F*ck! F*ck!
Pagmumura ko, pero di' ko naman alam kong saan ako naiinis. Basta tangina lang!
"Alejandro bat' andiyan ka?" Hindi ako lumingon, nakayuko lang ako habang nakapikit. Naramdaman ko na ngang lumapit si Ate Eula sa kinaroroonan ko at umupo sa kalapit na upuan. "San' ka ba galing at halos magdamag na 'di ka umuwi?"
"May pinuntahan lang ako ate." mahina kong sagot pero di' ko pa rin siya nilingon.
"Akala ko nga'y sa bar ka pumunta kaya hindi ka na namin hinanap pa ni Eveth pero tingin ko'y hindi ka nanggaling 'dun." tukoy siguro niya sa hawak-hawak ko ngayon.
Bumuntong hininga ako at inihanda ang isang ngiti.
"Ayos lang ako ate, salamat sa pag-alala niyo sa akin." totoo ang sinasabi ko.
Hindi na iba si Ate Eula sa akin, minsan nagsasabi ako ng mga problema rito pero ngayon eh hindi ko alam kung pwede ko bang sabihin sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung saan ako magsisimula.
"Sya' sige," aniya at tumayo na. "Ipaghahanda na ba kita ng almusal... ilang oras na lang ay mag-uumaga na."
Umiling ako at lumagok ulit.
"Di na ate, pakisabi pala kay Eveth na iparebook niya agad ang flight natin..."
Alam kong natigilan si ate sa sinabi ko.
"Ngayon umaga ba?"
"Oo, kung pwede mga six or seven... then pakisabi na rin ho na kunan niya ako ng flight mamayang hapon papuntang Madrid."
Alam kong natigilan na naman si ate sa narinig niya pero wala talaga akong balak na magkwento sa kanya sa ngayon.
"Sige, kung' 'yun ang gusto mo'y magpahinga ka na kahit saglit lang Alejandro." aniya at iniwan na akong mag-isa.
Namayani na naman ang katahimikan sa paligid at lalo lamang bumabalik sa isipan ko ang lahat nang nangyari kanina...
Maaga akong nagkulong sa kwarto dahil hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako kasaya. Idagdag pa na nangulit si Kenneth na dito matulog sa tabi ko. Sinanay ko na kasi siyang magkaroon ng sariling kwarto. Sinasanay ko lang siyang maging independent. Sa naging buhay ko, iisa lang ang natutunan ko at 'yun rin ang gusto kong matanim sa utak ng anak ko. Wag' umasa sa iba at matutong mamuhay sa sariling sikap.
Naalala ko tuloy si erpat kaya agad ko siyang tinawagan. Ikukwento ko kasing nahanap ko na si Ysabel at kahit di' pa siya pumapayag sa alok ko'y alam kong sasama siya sa akin. I know I was rude of forcing her in this situation pero I just missed her so much na kaya kong gawin ang lahat para lang sumama siya sa akin. If this is love "again" then be it, kaya kong sumugal ulit para sa kanya.
Nahinto lang ako sa pag-iisip nang 'di pa man nacoconnect ang long distance call ko'y napuputol ito dahil sa isang incoming call.
Napakunot-noo ako habang tinitignan ang isang unknown number sa screen ng mobile ko. Alam kong overseas call din ito. Hinayaan kong mamatay ito at balak ko pa ngang tawagan ulit si baba'y sumingit na naman ang tawag. Hindi ko sinagot, hinayaan ko lang dahil malayong business call ito. This is my personal number kaya wala masyadong nakakaalam nito kundi' mga kaibigan ko lang at iilang importanteng tao.

BINABASA MO ANG
Abandoned Husband
General Fiction. . This is the SEQUEL of the STORY HILING... Paano ba magmahal muli ang isang pusong iniwan? A story by ionahgirl23 . .