Warning SPG!
It's been a year na ang nakakalipas mula nang mangyari ang akala ko'y napakalaking problemang kakaharapin ko na naman pero all of the sudden ay biglang tumahimik ulit ang buhay ko, buhay namin ng anak ko. Tahimik nga ba or I'm just pretending to be one.
"Sir, any moment from now eh maglalanding na raw po tayo." panggigising ni Eveth sa akin habang kandung-kandong pa rin si Kenneth.
Tahimik akong umayos sa pagkakaupo at kinuha sa kanya ang bata. Speaking of Eveth, hindi na siya ang nag-aalaga kay Kenneth. Naging dahilan kasi ng pag-aaway nila ng boyfriend niya kaya inutusan ko na lang siyang maghanap sa mga kaanak niya na willing magtrabaho sa akin... and meet Ate Eula.
Ang laking pasalamat ko sa secretary ko at binigyan niya ako ng isang mapapagkatiwalaang kasambahay. Oo, 'di lang siya hands on sa anak ko kundi' ginagawa rin niya ang lahat ng responsabilidad sa bahay kaya ako naman ay bumabawi sa magandang pakikitungo sa kanya at syempre sa sweldo.
"May improvement na rin pala ang airport na'to." sambit ko habang binabasa ang Bacolod-Silay International Airport sa labas ng bintana.
"Malaki talaga Sir... It started when they changed it into international airport way back 2008." sagot naman ng secretary ko.
"Ok na ba 'yung hotel, we have only two days to settle the proposal Eveth kaya be sure na ok ang lahat." remind ko sa kanya.
Gusto ko kasing matapos agad ang meeting ko with Dela Vega Group of Companies. Alam niyo na, sa business world mas makapangyarihan ka kung marami kang connection.
"All done na Sir, worry not." ngiti nito sa akin at muli kong naibigay si Kenneth sa kanila ni Ate Eula kasi mas gusto na yata ng bata ang mga babaeng ito keysa' sa akin.
Muli akong tumingin sa labas at bigla na lang siyang pumasok sa isipan ko.
Hope this time, makita na kita.
Maaga kong tinapos ang meeting with the dela Vega. Hindi nga sila makapaniwala na agad ko nang kinclose ang deal with them. Matagal na kasi nila akong nililigawan pero ngayon ko lang sila binigyan ng pansin at hindi lang first proposal ang nangyari kundi' signing of contract na agad. Pati nga si Eveth eh nagulat nang pumirma na ako. Paano naman this afternoon lang ay nakatanggap ako ng unexpected message from Charmaine. If naalala niyo siya, siya lang naman ang kaibigan ni Ysabel at sa loob ng isang taon ay siya lamang ang nag-iisang taong nag-uugnay sa akin kay Ysabel.
I tried to reach with her family pero to my surprise, nakaprivate ng Chengma family. Napakaliit lang ng details ang nakuha ko from my hired investigators at ang isang nakakalungkot pa'y nalaman kong wala sa kanila si Ysabel ngayon. In other words, one year nang hindi nakatira sa kanila si Ysabel.
Ipinilig ko ang ulo ko and took a slight glance at my wristwatch.
Where are you...
Muli kong pinasadahan ang mga taong paroo't parito sa labas ng restaurant at narelieve lang ang excitement ko nang makita ko na siyang papasok.
"I'm thinking for how many times if this is a joke or not but I chose to wait." nakangiti akong tumayo para salubungin siya.
"Iba na talaga ang in love, sacrifice ano." nakangiti rin siyang huminto sa harapan ko at pinasadahan niya ako ng tingin. "You have'nt change Mr. Alejandro..."

BINABASA MO ANG
Abandoned Husband
Algemene fictie. . This is the SEQUEL of the STORY HILING... Paano ba magmahal muli ang isang pusong iniwan? A story by ionahgirl23 . .