Chapter 36

47 2 0
                                    

Play the music at the top (story of us by Taylor swift)

Zhian P.O.V

Mula sa Malayo tanaw ko si Sophia na nakatingin kay Dylan habang kumakanta ito. Nung mag katitigan silang dalawa parang May kinurot sa puso ko at hindi ko maipaliwanag ang bigat na makita sila.

Napatitig ako kay Dylan at naalala ko ang sinabi nya nung isang araw.

Palabas na sana sya ng pinto ng mapatigil sya sa tanong ko."May gusto ka bay kay Sophia?" Dahan dahan syang lumingon sakin.

"Ano naman kung gusto ko sya? Mapipigilan mo ba ako?" Seryoso nyang sabi. Seryoso ko nalang syang tinitigan.

Sa araw na yun, doon ko lang nakitang ganun si Dylan. Matagal na kaming mag kaibigan pero that time iba sya pag dating kay Sophia.

Napatingin ako kay Sophia na ngayon ay gulat na nakatingin kay Dylan matapos ang pag kanta nito alam kong para sa kanya talaga.

Mapait akong napangiti.... Sya na ba ang nanalo sa puso mo?

Sophia P.O.V

Lahat ay nag sisigawan at tumatalon sa kilig pero ito ako. Nakatitig lang sa kamay ni Dylan matapos nyang i hand sign yun.

Totoo ba? Or baka nag ha hallucinate lang ako? Kasi imposibleng gawin yun ni Dylan. Saka normal lang naman yun diba?

Matapos ang nilang kumanta at bumaba na sila ng stage sa backstage.

Nakaramdam naman ako ng alog sakin ni Kuya. "Shet keneleg ako dun, grabe talaga si Dylan Gwapo na May talent pa!!"

mula sa malayo nakita ko sila Dylan na papalapit s pwesto namin.

*Dug, Dug*

*Dug, Dug*

habang papalapit sya ay bumibilis ang tibok ng puso ko, Maya maya pa ako naramdaman ko nlang ang sarili ko na tumayo at umalis palayo kahit na nag tatakas sila kuya bakit ako tumakbo basta ang kailangan ko lang ngayon ay pakalmahin itong puso ko.

Bakit nararamdaman ko ito? Ano bang kinakatakot ko?

Ahh basta kailangan kong nakalayo at pakalmahin ito. Umupo ako sa nadaanan kong Bench. Malayo na rin ang tinakbo ko para lang makalayo.

Hinawakan ko ng dibdib kong dahan dahan ng kumakalma.

Napatitig ako sa paligid. Madilim na ang langit, ngunit dahil sa mga street lights nakikita ko parin ang paligid. At tinitigan ang empty place ng soccer field.

I love you, Sophia

I love you, Sophia

I love you, Sophia

Arrrggh! Bakit naalala ko nanaman?
Ano ba puso kalma ka lang pwede?

Nakaramdamako ng May unti unting pumatak sa kamay ko.

"Huh? Umuulan?" Napatingin ako sa langit at nakita na Umuulan na.

Pero ito ako hindi makatayo. Hindi ko alam kung bakit pero kumakalma ako pag May ulan. Hinangad ako at hinayaan na pumatak ang ulan sa mukha ko.

Naalala ko tuloy si Hanna parehas kasi namin paborito ang ulan. Pag umuulan talagang lalabas kami tapos May papatulan kasama si Beverly na minsan na pipilitin nalang dahil kinukulit namin syang sumama.

At nagulat nalang ako ng biglang nawala ang pag patak ng ulan sa mukha ko. At pag dilat ko ng mata ay nakita ko ang isang payong na Naka tapat sakin na hawak ni

Zhian...

"Mag kasakit ka nyan pag nagpa-ulan ka." Sabi nya. Habang ako ay nag taka kung papaano na hindi ko napansin na dumating sya.

"Zhian.." hindi ko alam kung bakit pero bakit ganun...

Wala akong maramdaman na tulad ng kay ni Dylan.

Talaga bang-- naramdaman kong lumapit si Zhian at malapit na ang mukha nya sakin at hindi ko alam kung bakit sya ganito.

Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin sa oras na ito ang tanging nagawa ko lang ay ang titigan sya. Maya maya ay pinahid nya ang tubig sa pisngi ko at nginitian ako

"Bumalik na tayo, baka hinanap ka na rin nila." Nakangiting Sabi nya. Bakit pakiramdam ko hindi sya masaya kahit na nakangiti sya ngayon?

Nang makarating kami sa kanila kuya ay hindi nila kasama si Dylan. "Kuya nasan si Dylan?" Bulong ko sa kanya.

"Huh? Hindi mo ba sya nakita sa labas? Alam ko sinundan ka nya kanina." Sabi nya.

"Hindi ko sya nakita."

"Baka na umuwi na ata sya."

Siguro nga umuwi na sya wala narin namang gagawin. Pero hindi ko alam kung bakit nalungkot ako ng umalis sya. Marami sana akong gustong tanungin, tutal nakapag isip isip narin ako na sya lang ang makakasagot ng mga tanong ko.

Pero dumating ang isang linggo hindi ko parin sya nakikita na pumapasok. Ang sabi naman nila Jiero mukhang May family business syang inaasikaso kaya hindi sya pumasok.

Mukhang matagal pa bago sya makakausap. Pero sana bukas pumasok na sya para kung sakali lang na...

"Sophia? Nandito ka parin tapos na ang klase ah." Biglang dumating si Ria at umupo sa tabi ko. Nandito ako ngayon sa waiting shed ng school. Umupo lang ako dito saglit para mapag isip isip pero mukhang hindi ko napansin ang oras.

"Nitong nakaraan wala ka palagi sa sarili mo. May problema ba Sophia?" Tanong ni Ria.

Tumingin ako sakanya at nginitian sya. "Wala naman gusto ko lang magpahangin kaya ko nandito." Sabi ko.

"Talaga lang Sophia? Kung sinusubukan mo akong lokohin, hindi yan i-ipekto sakin."

"Ria totoo nga gusto ko lang-"

"Ah! Ah! No need for excuse. Kilala kita kahit na tahimik ka alam mo parin ang ginagawa mo. Pero nitong nakaraan matapos ang School fair minsan nakakailang beses pa kitang tinatawag bago ka mag respond. At hindi lang yun tuwing May klase hindi ka na active. Ikaw pa namn ang maraming tanong tuwing May klase ng mga subject Teacher natin. Pero nito lang wala kang tanong manlang kaya pati sila prof naninibago rin sayo." Sabi nya at kinurot ang pisngi ko.

Talaga ngang kaibigan ko itong si Ria.😅 Alam na alam nya kung ano ako.

"Hehe. Ganun ba?" Sabi ko na kinasimangot nya.

"Matapos kung sabihin lahat yun, yan lang sasabihin mo?"

"Well ano bang dapat kong sabihin? Haha."

"Hay naku Sophia, sabihin mo nga May koneksyon ba ito sa pag absent ni Dylan hangang ngayon?"

Ahmm... Anong gagawin kong reason?

"Mukhang si Dylan nga ang dahilan." Hinawakan nya ang mukha ko at hinarap sa kanya. "Sophia... Gusto mo ba sya?"

Ahmm...

Hindi ako sure dahil hanggang ngayon tinatanong ko rin yan sa sarili ko.

_________

Moon_Glared.

YOU belong with ME (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon