Chapter 3

446 10 4
                                    

"Kyaaaah!" Sigaw namin ni Sophia. Nang lumabas bigla ang nakakatakot na mukha ng multo.

"Grabe naman itong pinili mong movie Pia, nakakagulat! Hahaha" Sabi ko. Kaya kinuha ko yung juice namin pero naubos na pala yun.

"Ay Pia, Kuha lang ako ng maiinom ubos na kasi yung inumin natin."

"Sige sige." Sabi nya.

Ngumiti ako sakanya. "Saglit lang ako."

Ang bait talaga ni Sophia. Well ang bagay pala sakanya ang Pia, yun kase ang tawag ko sakanya. Pumayag naman sya at natuwa ng marinig yun. At isa paparehas pa kami ng tawag. Sa Akin tawag nya Ria at ako naman sa kanya Pia. Ang cute lang.

Nang maka baba ako. Narinig ko ang mga ingay ng mga haliparot.

"Hahaha. Hindi mo naman pala kaya e." Sabi ni Jiero.

"Kala mo naman ganun kadali yun. Ang hirap kaya! Porket magaling ka lang dito. Saka ang daya mo alam mo Toh eh. Iba naman!!" Sabi ni Kyle. Habang Naka busangot. At hawak ang PS4 na nilalaro nila.

Hahaha ang cute talaga nya.

Shh! Lang kayo ah! Secret lang.

May gusto kasi ako kay Kyle matagal na.

Enebe~

"Uy! Rianna bakit ka bumaba?" Tanong naman saakin ni kyle.

"Bakit bawal bang lumabas!?" Tinaasan ko sya ng kilay. Oh well acting ko ito. Pinapakita ko lang sakanya na galit ako at mataray pero deep in side kinikilig ako kasi kinausap nya ako.

Enebe!

"May sinabi ba ako na bawal?"

Teka bakit parang narinig ko na yun? Bawal lumabas?

Bumaba ako at dumaan Sakanila. Sa kabila kasi nun yung kusina kaya dadaan ako sa kanila.

"May L.Q~" narinig kong bulong ni jiero.

Teka naalala ko nga pala ipapakilala ko si Pia kay kuya. Kaya lumingon ako sa kanila. Na ikinagulat nila. Teka kanina pa nila ako tinitingnan?

"Saan nga pala si kuya?" Tanong ko na nakapag busangot sa kanila.

"Ayun kasama ulit si Beverly." Walang buhay na sabi ni Dylan. Wait normal na pala sa kanya yun.

So kasama nya yung impaktang yun. Tch. Nakakairita talaga yun. Hindi porket mabait ang kuya ko inaabuso nya. Ito namang si kuya napaka tanga!

Sorry for bad words. Nag gigil lang ako dun.

"Naiirita na talaga ako sa kanya." Sabi ko at umalis na sa harap nila. At kumuha na ng juice. Saka umakyat na.

Sayang hindi nya makikilala si kuya. Pero baka sa school makita ko sya. Doon ko nalang sya ipakilala. Nang hindi nakikita ng imapakta nya na selosang gf.

Nang maka akyat ako nakita ko naman si Pia na inaayos na ang gamit nya.

"Bakit nag aayos ka na?"

"Ah! K-kase.. ano may emergency lang. Kaya kailangan ko ng umalis. Sorry Ria..."

Mukha namang importante kaya okay lang sakin. "Okay lang .Sige. ihahatid nalang kita." Aya ko.

"Ahm. Ria pwede bang sa likod nalang tayo ng bahay nyo lumabas?"

Napakunot naman ang noo ko. "Bakit?"

"Eh... K-kasi gusto ko lang mag libot he-he-he para maikot ko yung maganda nyong bahay." Sabi nya. Hmm.. may point sya.

"Sige. Tutal ayoko rin naman makilala mo yung mga asungot na bisita namin." Mahinang bulong ko sa huling sinabi ko.

YOU belong with ME (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon