Rianna P.O.V
"Jaz nasan ka na ngayon?" Tanong ko mula sa cellphone ko.
"Malapit ako dyan mamaya mag kikita na tayo."
"Buti naman para maipakilala na kita sa kanila.-" nakaramdam naman ako ng tao sa likod ko at pag lingon ko ay si Kyle na pasikretong nakikinig samin ni Jaz.
Nakaisip naman ako ng kalokohan.
"Baby Jaz bilisan mo okay? Miss na rin kasi kita." pinipigilan ko ang tawa ko ngayon ng maramdaman kong papalapit na sakin si kyle.
"Lakas ng trip mo ah. Sige ba bye Ria." Paalam ni Jaz.
"Sige ba bye baby." Sabi ko na ikinatawa lang ni Jaz bago nya ibaba ang tawag.
Nakaramdam naman ako na katabi ko na si Kyle at galit na galit ang itsura.
"Sino yun?"
"Anong pinag sasabi mo?"
"Yung katawagan mong baby ang tawag mo?" Naiinis nyang sabi.
Tch. Sabi na nga eh May gusto sya sakin masyado lang torpe.
Napailing nalang ako sa kanya at umalis na papunta sa sala.
"Hoy Rianna! Kinakausap pa kita!" Naiinis nyang tawag sakin.
Umupo naman ako sa isang couch malapit kay Jiero na pa relax relax lang.
"Sabihin mo May nanliligaw na ba sayo?" Bigla naman sumulpot ulit si kyle s harapan ko at nakakunot ang noo sakin.
"Wala! Saka Ano bang pakelam mo?" Mataray kong sabi.
"Eh sino yung katawagan mong baby!?" Naiinis na Sabi ni Kyle.
"Oyoyoyoy! Ano yan ayiee~ kayong dalawa ah~" nang aasar na sabi ni Jiero samin.
Isa pa ito panggulo...
Napaupo nalang si Kyle. Naka cross arm at masama ang tingin sakin.
Bugnutin talaga ng isang ito. Bahala sya dyan aasarin ko lang sya.
*Evil laugh*
"Anong problema na naman ninyong may mga sapak ah!?" Tanong ni Jiero. Na hindi ko pinansin at nag scroll nalang sa cp ko.
"Uy birthday boy ano nanamang pinag awayan nyo?" Tanong ni Jiero kay Kyle na hindi naman sya pinapansin at masamang nakatingin lang sakin.
"Hellow~ May kausap po ba ako?" Sabi ni Jiero. "Tch Nice! Kausap ko nanaman ang sarili ko." Pilosopong sabi ni Jiero.
Kyle P.O.V
Sino ba yung kausap nya? May nanliligaw na ba sa kanya? Mag kikita ba sila?
Bakit ayaw nya sabihin sakin.
Gwapo ba yun? Sus mas gwapo pa ko dun eh.Sino ba yung Jaz na yun?
Nakakainis naman eh.
Teka bakit ba ako naiinis?
"Tch Nice kausap ko nanaman po ang sarili ko." Parinig ni Jiero dahil walang pumapansin sa kanya.
"Tsk!" Sabi ko at bigla nalang umalis.
Kung ayaw nya sabihin bahala sya dyan.Pumunta ako sa pool at na ko join na sa party ko. Imbis na mabuset ako sa kanya mag eenjoy na lang ako.
Hmp! Bahala sya dyan hindi ko sya papansinin.
BINABASA MO ANG
YOU belong with ME (Under Editing)
Novela JuvenilThe story of Sophia Blair Castillo. Na nagmahal sa isang taong taken na. Na si Zhian Suarez na isang campus heartthrob. At sa pag pasok nya sa buhay nito makikilala nya si Rianna at ang iba. Na syang mag babago ng takbo ng buhay nya.