Chapter 14

317 11 0
                                    

Sophia P.O.V

  This is the day, a start of new chapter of my life.

Tumayo na ako at nag hilamos ng mukha at nagsuklay na rin. Habang nag susuklay ako bigla namang May tumawag sakin si Ria at Sinagot yun.

"Good morning Pia!!!!" Nilayo ko naman ang cp ko sa tenga ko. Napaka hyper ni Ria ngayon ah!

"Hyper mo ah! Hahaha excited lang Girl!?" Natatawang sabi ko.

"Yessy! Hindi na ako makapaghintay na mag-shopping tayo. I miss mall and accessories~. Nakahanda ka na ba?"

"Excited naman toh! kakagising ko lang teh. Saka mamaya pa kaya mag bukas ang mall." Natatawang sabi ko.

"Oo nga noh HAHA. Natawagan ko na si Lia kung saan tayo mag kikita. Doon daw sa Starbucks. Mayaman ang lola mo~ libre nya muna daw tayo doon."

"Talaga? sige."

"Kita kits mwuah~" sabi nya at pinatay na ang tawag.

Nang matapos akong mag ayos pumunta naman ako sinabing tagpuan namin. Habang nag lalakad ako papunta doon. Malayo palang nakita ko na si Lia at Ria na mag kasama at si..

wait bakit nandoon si Kyle!?

Rianna P.O.V

Nakakabusit! Nakakagigil lahat na ata ng 'nakaka' natawag ko na sa isip ko.

"Isusumbong kita kay Zhian nakikipag date ka." Pag babantay nyang sabi.

"Pwede ba Kyle hindi na ako bata." Naiirita kong sabi sa kanya. Habang si Lia nakatingin lang saming dalawa mag bangayan.

"At ikaw Leo, akala ko ba kaibigan kita? Bakit ka pumuporma kay Rianna ah? Akala ko ba kaibigan ka namin ni Zhian."

"Bakit wala naman akong ginagawang masama kay Rianna huh?"

"Nag mamaang maangan ka pa! Di mo nalang sabihin na May gusto ka sa kanya."

"At ano naman sayo kung ganun?"

"Basta hindi sya pwedeng ligawan. Yun ang sabi sa kin ni Zhian." Sabi ni Kyle na ikinataas ka ng isang kilay ko.

"At kelan nya sinabi yun? Saka close pala kayo?" Sarcastic kong sabi kay Kyle. Alam ko kasing hindi sila mag kasundo ni kuya. Dahil narin sa kakulitan nya.

Kuya is a type of person na tahimik. At ito namang si Kyle napakaingay nyan. Guguluhin ka nyan pag nakita ka nya.

Like this..

"Kyle Garcia.. wag mong sabihin. Nagseselos ka?" Biglang sabi ni Lia na ikinagulat ko.

Kung totoo man yan siguro ako na ang pinaka masayang tao sa mundo. Isang Kyle magugustuhan ako what a...

"In your Dreams! Ito magugustuhan ko? No way." Sabi nya na ikinadurog ng puso ko.

Nakakairita talaga ito. Bakit ko ba sya nagustuhan?

"Umalis ka na nga dito. Pang gulo ka lang saamin e." Biglang Sabi ko. Dahil sa galit.

"Edi kayo na! Magsama kayo dyan." Sabi nya

"Talaga! Hmp!" Sabi ko at padabog na syang umalis.

Nakakainis talaga sya... Pero meron sa puso ko na nalulungkot dahil umalis sya.

YOU belong with ME (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon