Chapter 38

34 0 2
                                    

Sophia P.O.V

Pagkaalis ni Ria alam kong lahat ng mata ay nakatingin sakin. Pero hindi ko alam bakit pakiramdam ko May mangyayari na naman na masama.

"Narinig mo ba girl ang balita?"

"Ang alin?"

"Sya daw ang dahilan bakit umalis ang campus queen na si Beverly. Nilandi nya daw si Zhian."

"Weh!? Hindi nga?"

"Ou kaya ngayon wala na si Beverly dito sa School kasi lumipat na dahil sa kanya."

"Wow grabe pa inosente pero May kati rin na tinatago."

Ayaw ko man marinig ang mga sinasabi nila sadyang hindi natin maiiwasan na Marinig ang ganito. Naalala ko tuloy nung nakaraang nagpaalam si Beverly sakin na aalis syang school dahil kailangan nyang asikasuhin ang pinamana sa kanya ng mama nya. At alam kong marami pa syang kakalabanin sa pamilya nya dahil sa desisyon nya.

Hinayaan ko nalang sila dahil alam kong wala lang sila mapag-usapan kaya ako ang napag-tripan nila.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng sigawan sa malayo. At nakita ko si Dylan na hinahabol ng mga Fans nya. Well normal na yun pero para sakin nakakagana na makita ko ulit sya na pumasok.

At lahat ng mga tao sa cafeteria ay nakatingin sa kanya pati narin ako. Ilang araw rin syang nawala.

At ngayon ay papunta na sya sa pwesto ko, parang ang hindi ko na maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.

Ngumiti sya at ng malapit na sya sakin ay parang nag slow motion ang nangyari at nilagpasan nya ako at pumunta kay Mandy para ibigay ang isang box na hindi ko alam kung anong laman.

Lahat nag sisigawan sa kilig at tuwa pero kasabay nun ay pag tataka at pag ka wasak ng puso ko na makita na hinalikan sya ni Mandy sa pisngi.

At isa lang ang hindi ko napansin ay ang pag tulo ng luha ko.

Why? Kasinungalingan lng ba ng lahat?

Pero ang ikinagulat ko ang hindi ako pansinin ni Dylan na parang wala lang ako.

Tumayo ako at iniwan ang pagkain at kinuha ang gamit ko. Para mapalayo sa lugar na yun.

Mula sa malayo at natanaw ko si Sophia na tumakbo palabas ng cafeteria. Napatingin naman ako kay Dylan na nag aalala ang mukha nya.

Hindi ko alam kung anong dahilan at bakit kasama nya si Mandy pero alam kong nasaktan si Sophia.

sinundan ko ito at nakita sya sa malaking puno sa garden ng school.

Nakaupo at nakatingin sa langit.








Nag CR ako saglit para maghilamos at para magising narin na hindi panaginip ng mga nakita ko kanina. Pag katapos ko mag hilamos ay nag cr muna ako saglit.

Habang nasa cubicle narinig ko namn na May pumasok sa CR at pumunta sa sink para mag hugas.

"You know deserve ni Mandy si Dylan, bagay kaya sila hindi tulad ng isang hampas lupa lang na feeling innocent lang sya mapupunta." Sabi nito.

"Sino ba ang tinutukoy mo?" Natatawa nitong tanong.

"Ano pa edi yung sumira sa love team ng school kung di yung hampas lupa n Sophia na yun, ni hindi nya afford ang Fees dito sa school."

"Ah! Wait scholar lang kasi sya kaya di nya afford! HAHAHAH."

"True~"

"And I'm happy na fiance na ni Mandy si Dylan."

"I wish them a happy relationship." Masayang sabi nila at umalis na sa Banyo.

Do I deserve it? I think deserve ko naman ito, ako rin ang dahilan kung bakit sila nag hiwalay tapos ngayon--

Pero wala naman akong ginawa kung di ang lumayo at hanggan sya mula sa malayo. Pero ang part na... Tungkol kay Dylan at Mandy

Bakit..

Nasasaktan ako?

Kanina pa ako nag palibot sa canteen at ang akala ko ay nauna na sya sa room pero kahit dito wala sya.

Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si Pia.

"Kanina pa kita hinahanap hindi ka man lang ng paalam. Saan ka pumunta?" Hindi sya sumagot ay yumuko lang.

"May problema ba?"

"Wala, pagod lang ata ako." Tumingin sya sakin at ngumiti.

"Sure ka? Ano ba ginawa mo kanina?"

"Basta wag mo na alalahanin yun. Maliit na bagay lang naman yun." Sabi nya. Itatanong ko pa sana kung ano pa yun dahil hindi ako mapakali na ganito sya.  Pero pumasok na si sir at pan sin ko rin na kanina pa masama ang tingin nila kay Pia.

Mukhang May hindi magandang nangyari.

Natapos na rin ang last subject na namin, at dapat ay sabay kami ni Pia na lumabas ay umuwi pero pag tingin ko s upuan nya ay wala na sya.

Mabilis kong kinuha ng gamit ko at mabilis na lumabas para mahabol sana sya kaso wala na rin sya.

"Rianna? Nasan si Sophia?" Bigla namang dumating si Leo.

"Hindi ko alam bigla nlang syang nawala."

Nakita ko naman na bigla syang ng alala.

Kinuha ko ang cp ko at tinawagan ang Team A na nakabantay kay Sophia.

"Young master bakit-"

"Nasan si Sophia?"

"Poh? Di pa po namin sya nakikita lumabas ng school--"

"Pwes hanapin nyu sya!"

Nakita ko ring nag aalala na rin si Rianna.

"Hindi pa sya nakakalabas baka nandito pa sya sa school. Hahanapin ko sya." Sabi ko.

"Sasama ako."

"Ano nangyayari?". Bigla namang dumating si Kyle.

"Kyle.. si Sophia nakita mo ba sya?"

"Hindi, bakit?"

"Bigla kasi syang nawala kanina at sabi naman ni Lia hindi pa sya nakakalabas."

"Weird baka nag cr lang sya." Sabi ni kyle. Na natural lang namn siguro

Pero bakit ako kinakabahan?

_________

MOON_GLARED

YOU belong with ME (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon