Someone's P.O.V
Actually kanina pa ako nandito sa waiting area para hintayin si kuya ang tagal kasi nya. Kaya ito ako, nakatingin sa Crush kong si Andrei. kapatid sya ng kaibigan ni niisan.
Tahimik lang syang nag babasa sa gilid habang ako kinikilig dito. Sa school palagi ko syang nakikita na nag babasa ng libro, oh well matalino kasi sya at Top 1 sya sa klase.
By the way mag papakilala muna ako. Ako si Hoshimi bunsong kapatid ni kuya Dylan and I'm 6 years old.
Kahit na matagal dumating si kuya okay lang basta nakikita ko si Andrei. Matagal ko na syang crush simula nung pag pasok ko, sya agad ang una kong nakita.
Lapitan ko kaya sya?
Pero baka I ignore nanaman nya ulit ako. Yup isnaber sya pero kahit na ganun sya crush ko parin sya.
Tatayo na sana ako para lapitan sya ng biglang lumapit sakanya si Hannah isa sa Classmate ko.
"Hi Andrei ano ginagawa mo?" Tanong sya with matching lapit ng mukha nito sa kanya.
Wala namang reaksyon doon si Andrei at pinakita lang ang binabasa nya kay Hannah. Na ibig-sabihin. "Obviously, I'm reading." At bumalik na ulit sa pag babasa.
"Ang sungit naman." Sabi ni Hannah. Pero hindi parin sya pinapansin nito.
Ganyan sa lahat si Andrei. Tahimik lang at nag babasa.
Minsan nag taka na ako kung ilan taon na talaga sya eh. Maya maya umalis na rin si Hannah siguro na boring na kasi hindi sya pinapansin ni Andrei.
Ito na ang pag kakataon mo hoshimi na ibigay sakanya ito.
Sa tulong ni mommy nakagawa ako ng chocolate para sa kanya. Dala ang gawa kong chocolate ay lumapit ako sa kanya at nakatulong ibinigay sa harap nya.
"Andrei Pa-para sayo nga pala." sobrang kinakabahan ako dahil ang tagal nya kunin. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nag babasa parin sya.
"Andrei?" Tawag ko sa kanya.
Ibinaba nya ang libro na binabasa nya at tumingin saakin. Nang May biglang tumawag sa kanya mula sa likod ko.
"Andrei tara na!" Yun ay ang sundo nya.
Tumayo sya at nilagpasan ako. Lumingon ako sa likod ko nakita ko ang sundo nya na nandyan na.
Lumingon sya sakin At sa huli ang narinig ko nalang bago sya pumasok sa kotse ay....
"I hate sweets."
ಥ╭╮ಥ
Dylan P.O.V
Matapos kung ihatid si Beverly sa condominium nya ay pumunta na ako sa school ng kapatid kong si Hoshimi. Wala kasi yung palaging nag susundo ngayon sa kanya dahil May emergency kaya ako na ang mag susundo sa kanya mula ngayon.
Pagkarating ko sa waiting area nakita kong nakayuko sya. Lumapit ako sa kanya at tinawag sya.
"Hoshimi?" Tumingin sya sakin at nagulat ako ng makita ko syang umiiyak. "Hoshimi bakit? May masakit ba sayo? May umaway ba sayo?" Hindi sya nag salita at niyakap lang ako.
"Sorry hoshimi late si kuya. sa susunod maaga na ako." Sabi ko pero patuloy parin sya sa pag iyak.
"Kuya..." Sabi lang nya. Binuhat ko sya at pinasok na sa kotse.
Habang na sa kotse kami nakita ko ang hawak nyang chocolate. Mukhang alam ko na ang nangyari.
Hoshimi...
BINABASA MO ANG
YOU belong with ME (Under Editing)
Teen FictionThe story of Sophia Blair Castillo. Na nagmahal sa isang taong taken na. Na si Zhian Suarez na isang campus heartthrob. At sa pag pasok nya sa buhay nito makikilala nya si Rianna at ang iba. Na syang mag babago ng takbo ng buhay nya.