Sophia P.O.V
Nakasakay na kaming tatlo ni kuya at Ria at pauwi narin. Masaya ako dahil May mga kaibigan na ako. Hindi ko inaasahan na mag kakaroon ako ng time na mag kaibigan.
"Sophia gusto mo?" Tanong ni Gianna habang inaalok sakin ang pagkain na parang nakita ko syang binigay sa kanya ni Kyle kanina.
Hmm...
"Diba binigay sayo yan ni Kyle?" Tanong ko.
Napa-poker face naman sya ng banggitin ko yun. "Wala akong pake sa kanya-"
"Talaga ba!?" Mapang-asar na sabi ni kuya.
"Hindi kami bati, inaway ka nya lia." Sabi nya at Naka pout na nag cross arm.
"Sus, nag seselos kasi sya sa ganda ko. Kaya akala nya boyfriend mo ako. HAHAHAHA." Tumatawag sabi ni kuya habang nag da-drive at tumigil dahil red ang stop light.
"Naalala ko ng pa Lia kamusta na pala yung plano dun sa darating na School Fair?" Tanong ni Ria.
Oo nga noh!? Pag School Fair kasi napakabongga ng mga ideas and ang creative pa, kaya nakaka excite talaga dahil marami pag mga activities.
Nakita kong Napangiti si kuya. "Secret!" Sabi nya.
"Hala ang daya, sige na sabihin mo na!" Na intrigang sabi ni Ria.
"Basta magugustuhan nyo talaga ang ng events na mangyayari sa school." Makabuluhang sabi ni kuya.
"Pa suspense ka pa eh! Pero sige na nga. Aabangan ko yan. Kung hindi naku ako ang unang kokotong sayo."
"Kotongera ka talaga eh noh!?" Sabi kuya. Tawa nalang ako sa kakulitan at asaran nila.
Beverly P.O.V
Kasalukuyan akong na ninigarilyo ng May biglang mangistorbo.
"Beverly!" Sigaw ni dad. Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay ng makita ko ng hawak nya.
Mukhang alam nya na. Hahaha ang bilis naman ng balita.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong nya sakin habang ipinapakita ang papel kung saan ibinuhos ko ang lahat ko makuha ko lang ang company. Thank for her my secret weapon.
"Why!? Anong mali dyan? Dapat lang naman na sakin lang ang company right?" Sabi ko.
Anong akala nya sakin? Tanga? Hmp!
Alam ko na noon pa na kukunin nila mula sakin ng company ko at ibibigay kay Winston na walang alam sa pamumuno nito."Ikaw bata ka! Wala kang karapatan sa kumpanya. Ano sa tingin mo ito? Laro?"
"Game? Siguro nga isang laro lang ito para sa inyo. Pero kayo dapat ang walang karapatan dito. Inagaw nyo lang kay mommy--" napatigil ako ng bigla akong sampalin ni dad.
"Ang kapal ng mukha mong banggitin ang mommy mo. Tandaan mo! Dahil sayo nawala sya!" Gigil na gigil na duro nya sakin.
Mapait akong napangiti sa kanya. "Ako makapal ang mukha!? Ha! Naririnig nyo ba ang sarili nyo?"
"Napaka bastos mong bata ka. Wala kang galang sa nakakatanda sayo."
"Dad--este Stepfather.. kung sino man saatin ang makapal at walang galang dito. IKAW YUN. Ang kapal ng mukha mong kunin ang lahat ng Yaman ni mom at ibigay sa anak mong ang alam lang ay mag waldas ng pera. Inangkin nyo lahat lahat Isa kayong MAGNANKAW!!--" napadaing ako ng bigla nanaman nya akong sampalin.
"Tandaan mo! Ako parin ang ama mo! At wala kang karapatan na manghimasok sa business." Sabi nya at ping punit ang papel. "bukas na bukas ay papalitan ka na ni Winston."
Kahit anong pag pipigil ko ng luha lumabas parin ang ito. "At bakit? Saamin ang company na yan, at franchise pati ang bahay ng ito saamin ito. At ako pa ang walang karapatan ba manghimasok!? Dapat kayo yun. Mga magnanakaw kayo!!" Sigaw ko. At mabilis na lumabas ng kwarto ko, sumakay sa kotse at mabilis na pinaandar ito papunta sa isang tulay. Pinarada ko doon ang kotse ko at lumabas.
"WAAAAAAAAHHH!!!" At ang kanina ko pang luha na pinipigilan ko ay lumabas na.
Ang sakit, ang sikip ng puso ko.
"MGA MAGNANAKAW!!" Sigaw ko.
"Mom.. anong gagawin ko? Kinuha Manila ng lahat sakin. Lahat ng yaman mo inaangkin ng nila. Hindi ko na alam ang gagawin ko... Naguguluhan na ako...pag nasa mansion ako araw araw akong umiiyak." Humihiling sabi ko. Pag kaangat ko ng ulo ko nakita ko ang cruise ship na 'Winston' "Pinalitan rin nila ang pangalan ng company mo. Kinuha nila ang lahat ng satin. Hindi na alam mom.. hindi ko na po kaya.." nanghihina ng sabi ko habang nakahawak sa bakod ng tulay.
Mula sa pwesto ko kitang kita ko ang palubog na araw at ang kulay orange na kalangitan. Nung bata pa lang ako si mom and my Daddy Sabay naming pinapanuod ng pag lubog ng araw. Pero ng mawala ni Daddy. Na depress ni Mom at kinakailangan nya ng agarang medikasyon at doon nakilala nya ang Stepdad ko. Na nung una palang hindi ko na gusto dahil masyado syang mayabang pag wala ni Mommy pinapagalitan nya ako at pinapalo. Minsan pag hindi ako sumusunod sa kanya kinukulong nya ako sa basement at pag dumating na si mom doon nya ako pinapakawalan at sinasalubong si Mom ng parang walang nangyari. Sinubukan kong mag sumbong kay Mom pero hindi sya nakinig aakin. Dahil sa brain wash na sya ng Stepdad ko. At isang araw nag desisyon si mom na mag bonding kaming dalawa. At doon nung araw na yun naganap ang aksidente. Habang nasa byahe kami May bumangga samin.
Yakap ako ni Mom nun.. kitang kita ng dalawa kong mata at rinig na rinig ko na sinabi nya sakin.
"Ikaw na bahala sa lahat...Mommy will always love you.. my sweetheart. I'm always by your side to guide you..." Yun ang mga huli nyang sinabi sakin bago sya malagutan ng hininga.
Sumampa ako sa tulay at Mula sa itaas kitang kita ko ang tubig sa ibaba. Gusto kong matapos na ang lahat ng ito at ang tanging paraan lang ay ito. Pumikit ako at dahan dahang binitawan ang kamay ko ng biglang..
"BEVERLY!!" May naramdaman akong mainit na yakap mula sa likod ko. Mahigpit nya akong niyakap at hinila palayo sa bakod ng tulay. Habang ako nakatulala ng nakatingin parin sa kulay kahel na kalangitan.
Isang mainit na palad ang humawak sa kamay ko at pinangarap sa kanya. At ngayon ko lang Nakita ang galit na galit at umiiyak nyang mukha palagi kasi syang nakikitang seryoso ngayon ko lang nakita ng na umiyak sya.
"NABABALIW KA NA BA? SA TINGIN MO MATATAPOS NG PROBLEMA MO KUNG TATAPUSIN MO ANG BUHAY MO!?" Galit na galit nyang sigaw.
Tanging nasabi ko lang ay ang pangalan nya.
"Dylan..."
______
Dylan save the day! Sya talaga ang favorite kong character dito sa story na ito eh.
Namiss nyo ba ako? We'll miss ko rin kayo. Naging busy kasi ako talaga dahil maraming ipapasa sa school. Pero nagawan kong makapagsulat ulit.
Marami narin ang nangungulit sakin na mag update ako eh. Kaya ito nag update ako hahahha. Thank you very much talaga sa inyo. Love you guys!
Moon_Glared
BINABASA MO ANG
YOU belong with ME (Under Editing)
Dla nastolatkówThe story of Sophia Blair Castillo. Na nagmahal sa isang taong taken na. Na si Zhian Suarez na isang campus heartthrob. At sa pag pasok nya sa buhay nito makikilala nya si Rianna at ang iba. Na syang mag babago ng takbo ng buhay nya.