Leo P.O.V
Kaloka nasan na ba si Mr. Lim baka ma late na ako nyan. Ngayong araw pa naman ang pag handa namin ng team ko sa school fair. May aayusin pa kasi kaming ditalye. Pero kaloka kanina pa ako dito sa labas ng gate hinihintay sya.
Ayaw naman ni kuya ipagamit yung kotse nya. Kaloka, rin yung kotse ko ngayon pa nasira.
Ang malas talaga ng araw ko ngayon. -__-
Hay nako mag lakad na nga lang ako baka mamaya kakahintay ko dun late na late na talaga ako sa meeting namin.
Habang nag lalakad ako nakaramdam ako ng may sumusunod sakin. Tumingin ako sa nadaanan kong store at May glass doon. At nakita ko ang isang
Babae?
Hmm.. students din sya sa school ko. Pero bakit parang nakita ko na sya... Nag patuloy ako sa pag lalakad habang iniisip parin kung saan ko sya nakita.
Saan nga ba?
Ah!! Naalala ko na!
Sya si Andrea
Normal naman sya manamit ang ayaw ko lang sa kanya ay yung titig nya. Akala mo kasi inaaway ko sya pag tinititigan ko sya. Pero minsan Alam mo yun, masyadong maliwanag.
kapareho nyang tumitig si Baby Dylan pero yung kanya napaka charming. Kung hindi ko nga lang sya kakausapin.
"Hi, Andrea! Papasok ka na rin sa school? Sabay na tayo." Nakangiting Sabi ko sa kanya. At nakita ko naman na nag bago agad ang ekspresyon nya.
Galit ba sya? Oh well baka kasi nagulat ko sya.
He-he-he easy lang.
Andrea P.O.V
Sinusundan ko lang sya kanina para gawin ang masama kong binabalak. Na ipokpok a kanya itong libro na hawak ko ng mawalan sya ng malay para hindi na ako mag aral ng bigla syang humarap sakin. At hindi lang yun, nginitian pa ako.
"Hi, Andrea! Papasok ka na rin sa school? Sabay na tayo." sabi nya.
Ibang klase rin ang instinct nya. Alam nyang sinusundan ko sya kaya bigla nya akong tinawag.
Pero bakit ganun?
Ano itong...
*Dug, Dug*
Hindi Andrea please lang isa syang kaaway na kailangan kong pabagsakin. Para makalaya ka na at hindi ka na mag aral pa.
This is your chance--
Lumapit sya sa mukha ko at hinipo ang noo ko. "Wala ka namang lagnat, okay ka lang ba Andrea?"
Huwhat! The hek!!!
Mabilis akong lumayo sa kanya.
Leo P.O.V
Okay lang ba itong babaeng ito? Kanina pa kasi sya nakatingin sakin at ewan ko chineck ko nalang yung noo nya kung May lagnat sya pero nagulat ako ng bigla syang lumayo sakin at nag bago ang tingin nya.
Yung kaninang charming na tingin nya nagbago at naging tigre na.
May ginawa ba akong masama? Oh well babae nga pala sya at hindi kami close para hawakan sya ng ganun.
Nasanay kasi ako kay Sophia. Syempre ako ang magandang kuya nya kailangan ko syang alagaan.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Sabi nya habang nakatingin sakin ng masama at nakahawak sa noo nya na hinawakan ko.
"So-sorry akala ko kasi May lagnat ka. Kaya chineck ko lang." Sabi ko.
Grabe nakaka takot naman itong si Andrea ngayon ko lang sya nakita na ganito.
BINABASA MO ANG
YOU belong with ME (Under Editing)
Teen FictionThe story of Sophia Blair Castillo. Na nagmahal sa isang taong taken na. Na si Zhian Suarez na isang campus heartthrob. At sa pag pasok nya sa buhay nito makikilala nya si Rianna at ang iba. Na syang mag babago ng takbo ng buhay nya.