Chapter 6

334 15 1
                                    


Zhian P.O.V

Maaga akong pumasok sa school para hintayin sya. Gusto ko talagang mag sorry sa nagawa ni Beverly sa kanya.
Alam kong palagi syang maaga pumapasok.

Mula sa malayo nakita ko syang nag lalakad. Kaya agad ko syang nilapitan na ikina gulat nya.

"Hi Sophia. Pwede kabang makausap?"

Sophia P.O.V

Paano nya nalaman pangalan ko? My gosh bakit kaya nya gustong makausap ako?

Hindi kaya aamin na sya na May gusto sya sakin?

O kaya yayayain nya akong mag pakasal?

Okay, okay kalma kalma! Ang taas naman ng pangarap ko. Pero bakit kaya?

"Gusto ko lang mag sorry sa nagawa ni Beverly sayo nitong kahapon. Sorry Sophia."

"Hindi mo na kailangan na manghingi ng sorry. Tapos na rin yun. Saka okay na ako." Sabi ko.

"Maraming salamat Sophia." Sabi nya at bigla nyang hinawakan ang kamay ko para magpasalamat.

O/////O

Dug dug dug dug

Waah! Hinawakan nya kamay kooo... My gosh!! Kyaah!!

Ang lambot ng kamay nya!!

Tinanggal naman nya yun at nakakunot na tiningnan ako. "Okay ka lang ba Sophia? Namumula ka kasi." Tanong nya sabay ngiti sa akin.

Teka masyado na ata akong asumera! Kalma ka lang sophia.

Naku naman wag kang ngumiti. Na I I love ako!! No no no. Ehem focus Sophia may jowa na yan.

"S-syempre naman okay lang ako." Nakayukong sabi ko.

"Pwede ba kitang maging kaibigan?" Nailahad nya ang kamay nya sakin.

What? Ano daw?

Friends!?

Magiging friends kami tapos maiinlove kami sa isa't isa tapos tatawagin nya akong baby nya tapos magiging kami na tapos ikakasal kami tapos... Yun pala panaginip lang.

Masyado ata akong umasa. Friends lang naman eh. Kung saan na napunta ang iniisip ko.

"S-Sure." Naiilang na sabi ko at tinanggap ang kamay nya. Wala naman maging masamang maging friends diba?

Matapos yun ay umalis narin si Zhian at ako hindi parin ako makapaniwala na nakipag usap sakin si Zhian at naging nag alok na kaibiganin ang isang tulad ko.

Habang nag lalakad na ako papasok sa school ay may biglang lumilipad na isang Flyers ng sumampal at tumakip sa mukha ko, Kinuha ko ito sa mukha ko.

🎉🄿🄰🅁🅃🅈 night🎈7pm to Suarez's Residents. All are invited.

Party sa bahay nila Zhian?

Rianna P.O.V

Kumakain ako kasama si Sophia at kanina ko pa rin pinipigilan ng sarili ko na sabihin ito kay sophia.

"Pia.."

"Bakit?"

"Gusto mong sumamasa party night sa Bahay namin?"

"Ahh ito?" Pinakita naman nya sakin yung flyers, Na ikinahihiya ko.

Welcoming party ko kasi ito at ngayon lang natuloy. Pero hanggang ngayon nahihiya parin ako mag pakita sa mg tao. Lalo na pag wala akong kasama anong gagawin ko dun eh kahit ako di ako mahilig sa party pinilit lang ng makulit kong mama.

Mag enjoy daw ako habang bata pa ako hindi daw puro nasa bahay lang daw ako.

"Yayayain sana kita na Sumama sa party wala kasi akong kasama." Hindi namn sa wala akong kasama, alam ko naman na nandyan yung tropa ni kuya pero si Sophia kasi ang first girl friend ko. At iba ng feeling na yun sa mga tropa ni kuya, iba si Sophia.

"Hindi ko lang alam Ria kasi 7pm hindi ko alam kung papayagan ako ni mama." Sabi nya na kinina ngiti ko. Ibigsabihin gusto nya sumama.

Kyaahh!!

"Wag kang mag alala ako ng bahal mag papaalam sayo sa mama mo." Sabi ko. Expert ata ako pag dating dyan.

"Sure ka?"

"Ou akong bahala sayo." Sabi ko sabay akbay sa kanya.

Sophia P.O.V

Mga hapon ay umuwi na ako, ang kaibahan lang ay kasama ko si Rianna.

"Rianna sure ka ba sa gagawin mo?" Hindi ko alm kung pang ilam na tanong ko na sa kanya ito. Kinakabahan kasi ako. Gusto kong sumama pero sila mama strict eh.

"Akong bahala wag kang kabahan." Sbi lang nya at ibinaba na kami ng tricycle sa tapat ng bahay namin.

Maliit lang ito hindi tulad sa bahat nila Rianna. Ito ang bahay na talagng pinag ipunan naming tatlo.

Black and grey ang design ng bahay namin ay may maliit lang na terraces sa second floor.

"Wow ang ganda naman ng bahay nyo Sophia." Manghang mangha na sabi ni Ria.

"Salamat."

Nang pag kapasok namin sa loob at nakita ko si mama na nanunuod ng kdrama sa tv. Habang yakap ng isang unan ng Sofa.

"Anak nandyan ka na pala at may bisita pala tayo." Nilapitan kami ni mama. "Ako nga pala mama ni Sophia, Maupo muna kayo doon sa lamesa, buti napadami ang luto ko ng ulam para maubos na ito."

"Salamat po tita. Tulungan ko na po kayu." Sabi ni Ria, kinuha naman nito ang plato sa kamay ni mama.

"Salamat iha, Ang bait mo naman." Masayang sabi ni mama.

"Tita, kare-Kare po ba ito? Wow favorite ko po toh."

"Talaga? Nako yan ng specialty ko tikman mo masarap yan!"

"Wow ang sarap nya! Pwede po bang mang balot ng baon po nito? Hehehe.."

"Naku walang problema." At kinuha ang isang tupperware para ipag baon si Ria.

Ahmm...naliligaw ba ako? Parang feeling ko tuloy ako ang naging bisita at hindi na si Rianna.

Rianna P.O.V

Actually ng plano ko talaga ay lumuhod at mag makaawa sa mama ni Sophia para payagan sya. Alam nyu yung sa kdrama tungkol sa royalty na uupo sya doon sa labas ng kwarto ng walang inumin at pagkain sa ilang araw hanggang sa payagan sya?

Ganun sana ang plano ko pero ng makit ko yung Favorite kong Kare-Kare nalimutan ko na ang objectives ko.

Pero in the end napapayag ko ang mother ni Sophia. Masaya rin ako na may baon pa akong kare-kare, Na napakasarap.

"Hindi ako maka paniwala na pinaalam mo ako. Akala ko ipapaalam mo ako sa party pero bakit sinabi mo na mag-overnight ako sa inyo?"

"Ganun talaga pag mag papaalam ka na sagadin mo na." Sabi ko at inakbayan sya. "Diba pinayagan ka pa na mag overnight samin. Tapos tabi tayo sa  kwarto tapos mag momovie marathin tayu at iba pa." Masayang sabi ko.

"Nakakahiya lang kasi baka-"

"Ano kaba sila mama at papa mabait yan pinayagan nga kami mag party sa bahay eh kasi aalis sila pupunta sila ng probinsya para sa next branch ng business namin."

"Edi sino nag babantay sa bahay nyu?"

"Kami at yung mga body guard sa bahay. Okay lang naman mag party kami basta kami rin mag lilinis after yun ang kundisyon ni mama. Kay papa naman okay lang sakanya kasi pinag kakatiwalaan naman nya kami ni kuya."

"Ang bait naman ng magulang mo." Napakaswerte ni Rianna na may mababait syang magulang. Na tulad ko rin kahit na alam kong strict ni mama. Hindi nya parin nakakaligtaan yung mga bagay na dapat ay maranasan ko kahit isang beses lang.

______
Moon_Glared

YOU belong with ME (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon