"Ate Summer!?"
"Yes ako nga, at sino itong lalaking kasama mo sa ganitong oras huh?"
"Sya si Dylan..."
"Dylan pala pangalan mo? Matanong ko lang mr. Dylan nililigawan mo ba ang kapatid ko? May ipapalamon ka ba kay Sophia? May trabaho ka ba? --"
"Ate?"
"Bakit ano tingin mo ang iisipin ko sa oras na ito? Anong oras ka na umuwi at kasama mo pa itong lalaking ito."
Tiningnan nya ulit si Dylan na ngayin ay kabado dahil sa nakakatakot na aura ni Ate summer.
"Uulitin ko nililigawan mo ba ang kapatid ko?"
Napalunok naman si Dylan. "Opo." Sagot nya na ikinataas naman ng kilay ni ate.
Bigla namang tumahimik ang paligid at tanging tunong lang ng mga kuliglig ang maririnig mo. Nakaantay lang din kami ni dylan sa sasanihin ni ate ng bigla.
"Aba! Aba! May manliligaw na ang Blaire namin!" Nakangiti nyang sabi at ninakbayan si Dylan at inipit ang ulo nito sa kili-kili nya. Pero ibang klase ang ngiti nayun.
Para silang mag tropa kung titingnan.
Pero ang ngiting yun ay Fake at alam kong ang naramdaman ni ate ngayon ay nagagalit sya. At pinipigilan nya yun.
"Sorry po kung gabi na po Naka uwi si sophia. Sorry po kasalanan ko." Pag hingi ng tawad ni Dylan.
"Mabuti alam mo... Dahil kung May mangyari sa kapatid ko-" pag babanta ni ate kay dylan pero pinutol ko na sya dahil alam kong baka kung ano pa sabihin ny kay Dylan.
"Sige na ate summer pasok na tayo sa loob."
Kasalanan ko rin naman dahil di ako nag paalam na mapapagabi ang uwi ko.
Nauna ko nanaman ang damdamin ko kesa sa responsibilidad ko na mag paalam sa kanila.
Bago pumasok sa loob ay bumulong ako ng 'sorry' kay Dylan mula sa malayo na mukhang naintindihan nya, tumango sya sakin at ngumiti.
"Sophia bakit ngayon ka lang?" Tanong ni mama habang May hawak ng pot at nilagay sa mesa.
"May pinuntahan lang po mama." Sabi ko. Napatingin naman ako kay ate Summer na Naka kumot ang noo.
"Alam mo ba mama may manliligaw na si Sophia~" Pag reveal ni ate na ikinagulat ko.
Bakit! Ate naman eh...
Namilog naman ang mata ni mama. "Talaga Sophia? May nanliligaw na sayo?"
"Mama naman parang di kayo makapaniwala na may manliligaw ako ah. Para naman ganun ako kapanget para wala ng mag kagusto sa kin." Pag tatampo ko. Kung makikita mo kasi sa mga reaksyon nila parang nag jojoke lang na may nanliligaw na sakin.
Mama naman maganda ang anak nyu mana ako sa inyo.
"Hindi naman sa nag tataka ako sa maganda ka anak. Saan pa ba kayu mag mamana kundi sakin! Ang akin lang ay masaya ako dahil may taong nag lakas loob na lapitan ka kahit na napaka manhid at masungit mo minsan."
"Mama naman!" Natawa naman sila sakin ni mama.
"Oh sya bukas gusto kong makilala ang lalaking nanliligaw sayo sino ba yun?"
"Si Dylan mama." Nahihiyang sabi ko kay mama.
"Tama si mama gusto ko rin sya makausap bukas. " sabi ni ate sabay patunog ng kamay nya.
BINABASA MO ANG
YOU belong with ME (Under Editing)
Teen FictionThe story of Sophia Blair Castillo. Na nagmahal sa isang taong taken na. Na si Zhian Suarez na isang campus heartthrob. At sa pag pasok nya sa buhay nito makikilala nya si Rianna at ang iba. Na syang mag babago ng takbo ng buhay nya.