"Pag hindi ka umamin ngayon hindi ko makukuha ang regalo mo."
"Pag hindi ka umamin ngayon hindi ko makukuha ang regalo mo."
"Pag hindi ka umamin ngayon hindi ko makukuha ang regalo mo."
Nakakainis kanina pa ng e-echo ang ang sinabi ni Jiero sakin. At dahil doon hindi ako makatulog. Tama naman sya na may gusto ako kay Rianna. Pero alam mo yun.
Kinakabahan ako!
Nasa dalampasigan ako ngayon hindi kasi ako makatulog kanina pa. Kaya lumabas muna ako para mag paghangin at mag lakad lakad muna. Alam ko tulog na rin ang lahat ngayon. Pero ewan ko ba bakit ganito nararamdaman ko.
Para kasing kulang pa ang araw na ito para samin, napakasaya ko dahil kumpleto kami at nag karoon ng time para dito.
Nag lalakad lang ako ng biglang may napansin ako. Likod palang nya kilala ko na sya kaya pumunta ako sa kanya at tumabi sa kanya. Pagitan lang namin mga limang hakbang lang naman. At alam kong alam nya na nandito ako sa tabi nya pero hindi nya ako tinitigan at nakatuon lang ang tingin nya sa buwan.
"Hindi ka rin makatulog?" Pasimula ko. Pero hindi nya ako sinagot. Siguro galit parin sya tungkol sa kanina.
Tsk, para talaga syang bata. Napangiti ako at tinitigan din ang buwan ng tawagin nya ako.
"Rianna?"
Paano ba ito kinakabahan ako. Wag ko nalang kaya ituloy? Baka kung ano pang masabi ko sa sobrang kinakabahan talaga ako.
Naramdaman kong lumingon sya sakin.
"bakit?"
Bakit pakiramdam ko pinag laruan ako ng puso ko, kanina kinakabahana ko pero ng marinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko. Gusto ko syang.....halikan.
Napalunok ako. Paano ba ito? "Naalala mo yung una nating pakikita?"
"Oo, Tandang tada ko pa yun. Yung nahulog ka sa kanal, HAHAHA laughtrip! ." Sabi nya na tawang tawa.
Huminga ako ng malalim. Paano ba ito? Okay n sana pina alala nya pa yung time n yun.
"Hindi yun! Yung isa." Sabi ko.
"Ahh..."
Transferee sya sa school namin and naligaw sya sa pag hahanap ng room. Ako namn kasama ko si Jeiro nag cutting class kami at nakikipag sparing sa mga kaaway naming kabilang section. At nung time na natalo kami ay napadaan si Rianna at nabangga nya yung isa sa kabilang section at natumba ng malakas sa lupa. Kaya nagalit sya at tinulak rin si rianna pero wala namang ipekto dahil sa Taba nya at susubukan pang suntukin si Rianna ng sampalin sya nito ng malakas. na nakapag patahimik samin lahat, kasabay ng malakas na iyak nung kaaway namin. At manilis naman syang umalis.
"Yun ba yung pag kikita natin?"
"Iyon yung una kitang nakita. Grabe kawawayung pisngi ni Diego dun namaga. HAHAHA. "
"itulak nya banamn ako eh hindi ko naman sadya yun."
"At simula nun inaasar na kita.""Na hanggang ngayon, hindi ka parin nag babago. Ang lakas parin ng pang-aasar mo." Natawa naman ako sa sinabi nya dahil totoo naman.
Mga ilang minuto rin kaming nakatingin sa dahalam pasigaan ng mag desisyon akong dahan dahang Hinawakan ko ang kamay nya, dahil naalala ko nanaman yung sinabi ni Jiero sakin, ayoko namn mangyari yun kaya. humarap ako sa kanya. N ikina lingon nya sakin. At.....
BINABASA MO ANG
YOU belong with ME (Under Editing)
Teen FictionThe story of Sophia Blair Castillo. Na nagmahal sa isang taong taken na. Na si Zhian Suarez na isang campus heartthrob. At sa pag pasok nya sa buhay nito makikilala nya si Rianna at ang iba. Na syang mag babago ng takbo ng buhay nya.