THIRD PERSON P.O.VLumipas ang ilang araw at araw na ng Linggo kung kailan ang birthday ni Kyle. Lahat sila ay nag handa ng gamit at papunta sa Boracay para sa venue.
Sumabay si Sophia sa kanyang kuya leo papunta doon kasama si Ria at Dylan sa back seat ng kotse.
"Nadala mo ba yung sinabi kong dadalhin?" Tanong ni Leo kay Pia.
"Opo." Masayang sagot ni Sophia na ikinakunot noo ni Dylan.
"kamusta si Potchi?" Tanong ni leo kay Sophia. Yun ang alagang pusa ni Leo na pinalaya kay Sophia nitong nakaraan.
"Nandoon sa bahay binabantayan ni Ate Summer. Gusto ngang sumama ni Potchi kaso kailangan nya pang mag pa check up dahil may sakit sya." Sagot ni Sophia. Habang si Dylan ay nakakunot parin ang noo sa pag uusap ng dalawa.
Kinalabit nya si Ria na ang naka headset lang at tahimik na nag mumunti sa tabi nya.
"Ria." Mahinang tanong nya kay Ria.
"Bakit?"
"Anong meron sa kanilang dalawa? Sila na ba?" Turo nya sa kanila pia at leo.
"Hindi ah! Talagang Close pang talaga silang dalawa." Simpleng sabi ni Ria.
Napatitig nalang si Dylan sa dalawa na masayang nag kwe-kwentuhan.
"Dylan." Tawag sa kanya ni Ria.
"Bakit?"
"May gusto ka kay Sophia noh?"
"Ayokong mag sinungaling pero.." lumapit ito sa tenga nito at ibinulong kay Ria. "Oo, gustong gusto ko sya."
"WEH!? HINDI NGA!" Napalakas bigla ang pagkakasabi ni Ria sa gulat at kilig.
"Ano yun Ria?" Tanong ni leo.
"Wala May nabasa lang ako sa cp ko." Pag sinungaling nya.
"Ahh akala ko kung ano na." Sabi ni leo at pinag patuloy ang pag dadrive.
"Ang ingay mo naman Ria."
"Sorry sa sobrang kilig ko napalakas.."
Masayang sabi nito. "Grabe I'm happy for Sophia and you.""Matutulungan mo ba ako?"
mabilis namang tumango si Ria. "At syempre boto ako sayo tutulungan kita dyan."
"Thanks." Sabi ni Dylan at tahimik na nag fist bump silang dalawa.
Nang makarating na sila sa venue ay sinalubong sila ni Kyle at niyakap.
"Welcome. come in, come in." Sosyal sa sabi ng Butler ni Kyle
"Nandyan na sila Jiero?" Tanong ni Dylan.
"Nandoon na po sila sa rooftop. Tara sumunod kayo sakin." Sabi nito at dinala naman sila sa isang rooftop kung nasaan si Jiero na nakasuot ng Hawaiian tshirt na nakabukas ang tatlong butones na kita ang Dibdib at konting sa abs nya at black short. Habang si ganun din ang suot ni Zhian blue Hawaiian style of shirt at Naka bukas ng dalawang butones ang damit nya at white short. Habang si Kyle ay Naka Yellow polo shirt at Naka black pants. Na nakabukas ang dalwang butones.
"Uy nandito na si Dylan in love~" pang-aasar ni jiero kay Dylan.
"Uy Wow sino yan!?" Tanong ni Kyle.
"Oo nga sino ang nag pagtibok sa bato mong Puso?" Natatawang asar din ni Zhian.
"Bat kayo naniniwala kay Jiero alam nyo namang loko loko yan." Kinakabahan sabi ni Dylan.
BINABASA MO ANG
YOU belong with ME (Under Editing)
Teen FictionThe story of Sophia Blair Castillo. Na nagmahal sa isang taong taken na. Na si Zhian Suarez na isang campus heartthrob. At sa pag pasok nya sa buhay nito makikilala nya si Rianna at ang iba. Na syang mag babago ng takbo ng buhay nya.