Chapter 2

480 15 2
                                    

"Uy! Zhian. Tambay tayo sa bahay nyo." Sabi ni Jiero.

"Ano namang gagawin nyo doon?"

"Tatambay nga, Ang kulit. Saka na mi-miss natin namin yung luto ni Tita."

"Basta wag kayong makulit. Nandoon yung kapatid ko." Sabi ko.

"Si Rianna? Wow kailan pa sya nakauwi yun galing America?" Tanong ni Kyle.

"Dumating sya kahapon."

"Naku Na miss ko na yung Chubb na yun. Hahah sigurado akong tumaba nanaman lalo yun." Natatawang sabi ni Kyle.

Naku pag nakita mo sya ngayon baka mag sisi ka.

"Pag pumayat si Rianna Who you ka talaga Kyle." Sabi ni Dylan.

"Sus yun papayat? Hindi nga matiis nun ang hindi kumain eh. Hahaha." Natatawang sabi ni Kyle.

"Tsk. Tigilan mo na nga kapatid ko Kyle."





Wow as in O.M.G napaka laki ng bahay ni Rianna para akong nasa mansion. Ow well nasabi na nya sa akin na May kaya sila. Pero hindi ko akalaing parang mali ata ang term na yun. Mayaman sila...sobrang yaman.

Grabe ang sososyal ng mga gamit sa labas at lalo na dito sa loob.

"Mom! May ipapakilala ako sa inyo." Tawag ni Ria sa mom nya. Yun ang tawag ko kay Rianna masyado kasing mahaba pag Rianna kaya Ria nalang.
"Sya si Sophia bago kong kaibigan sa school."

"Hi ako nga pala ang Napakagandang mom ni Rianna. Freya." Sabi nya at niyakap ako. Hahaha ang cute naman ng mom ni Ria.

"Mom ano kaba." Nahihiyang sabi ni Ria.

"Ano kaba sweetie totoo naman eh. Saan ka ba kayo magmamana ng kuya mo kundi sa akin."

"Mom."

"Tingnan mo Sophia. Pinapagalitan pa ako. Panget ba ako Sophia?" Nag pout na Bulong ang Mom ni Ria sa kin.

Natawa naman ako. "Nice to meet you po. Ako po si Sophia. at Maganda po kayo. Nahihiya lang po siguro si Rianna."

"Hmm. Well hindi nga pala ganun kadali ang maging maganda. Hahaha. Tara na, kumain na ba kayo?" Sabi nya habang dinadala nya kami sa kusina nila.

"Hindi pa Mom, Magmo-movie marathon din kami sa kwarto."

"Ay sige mag papaluto ako ng kakainin nyo."

"Thank you po." Pasalamat ko. Ngumiti naman sya sa akin.

"Mag enjoy kayo."

"Mom saan si kuya?"

"Hindi pa sya dumarating baka mamaya darating na yun."

"Sige. Tara na Sophia sa taas. nandoon ang kwarto ko." Akay saamin ni Ria.

Nang makarating kami sa kwarto nya. Hindi ako makapaniwala ulit sa laki ng kwarto nya.

"Grabe ng yaman nyo talaga."

"Naku hindi naman. Sadyang masipag lang talaga sila mom and dad pag dating sa business."

Umupo naman ako sa kama nyang napaka lambot.

"Grabe ang lambot." Bulong ko.

"Mag bihis lang ako. Ah! Nandyan pala yung remote pili ka nalang ng papanoorin natin." Sabi nya at binuksan ang flat screen tv nya.

YOU belong with ME (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon