Chapter 26: Lip stamp.
Sophia P.O.V
Kahapon sabay kaming Dumalaw sa puntod ni Hanna at sa oras na yun malinaw na sakin pero ang pinag aalala ko ay si Beverly. Alam kong galit sya sakin dahil ako ang dahilan bakit namatay si Hanna. Pero hanggang kanina hindi ko pa sya nakikita.
"Sophia, anong gusto mong pagkain ako na o-order." Sabi ni Zhian.
Teka tama ba ako ng dinig?
"Ehem, Zhian ano yan? Pinopormahan mo ba si Pia?" Sabi ni Kyle habang May hinihimas sa baba nya na akala mo ay May hinihimas na balbas.
"Uy, Zhian hindi porket kaibigan kita papayagan kita sa binabalak mo." Sabi naman ni kuya.
"Ohh~~ narinig mo yung bro! Pati ang malambot na Leo kayang mapatigas!" Sabat naman ni Jiero.
Ang umiinom naman na si Ria ay nabulunan sa sinabi ni Jiero.
"Bibig mo, Itikom mo." Walang emosyon na sabi ni Jazmine.
"Bakit iba ba ang iniisip mo dun." Napangiti naman ito. "Ikaw ah gusto mo bang makita?" Sabi ni Jiero. Namula naman ko sa sinabi ni Jiero kay Jazmine pero ni wala manlang reaksyon si Jazmine dun. Pero hindi na ako nagulat sa sinabi ni Jasmine.
"Sigurado akong kasing sukat lang yang nito." Sabi ni Jasmin sabay pakita nito sa "toothpick" na hamak nya. Na ikinainis ni Jiro.
"Baka pag nakita mo ito mag sisi ka. Hindi toothpick ang alaga ko."
"Jiero, ang dugyot mo!" Nandidiring sabi ni Ria.
"Come here Ria wag kang makinig sa kanila." Sabi naman ni Kyle na tinakpan ang tenga ni Ria.
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa kapatid ko?" May pag bantang tanong ni Zhian.
"T-tinakpan ko lang naman tenga nya." Kinakabahan sabi ni Kyle.
"Ako nalang titingin Jazmine para sayo." May landing sabi ni Kuya na ikina purple ng mukha ni Jiero.
"Wag na!" Yakap ni Jiero sa katawan nya. Na Nakapagtawa samin.
Hindi ko nalang sila pinansin ng mula sa di kalayuan sa amin ay nakita ko sya tinawag. Salamat at nakita ko na sya.
"Beverly!" Hinawakan ko ang kamay nya.
Tiningnan nya ang kamay nya na hawak ko at tiningnan ako ng masama. "Bitawan mo ako."
"Pwede ba tayong mag usap mamaya?" Nagulat sya ng sabihin ko yun at alam kong nagulat din sila Ria.
"Siguraduhin mo lang na importante yan kundi alam mo na mangyayari sayo bukas." Sabi nya at tinanggal ang kamay ko.
Matagal ko ng plano na kausapin sya pero kanina ay hindi ko sya makita.
"Anong meron Sophia?" Tanong ni Ria at ang iba rin ay nag tataka.
"Sa susunod na lang. Tara mag order na tayo."
Maya ay kumain na kami ng dumating na ang aming order. Parang kailan lang kami lang ni Rianna ang kumakain at minsan pa ay may mang bully pa pero ngayon dahil kasama namin sila Zhian lahat sila tahimik at syempre nag bubulungan kung bakit kasama ko sila. Ako lang ata kasi ng naligaw sa grupo nila.
Pero kahit na nandito sila Zhian hindi ko alam bakit wala si Dylan. Ang alam ko palagi silang mag kakasama.
Maya Maya pa ay maaninag akong pamilyar na itsura di kalayuan samin at yun ay si Dylan. Nakaupo sya kasama ang mga ibang ka team mates nya at kumakain.
BINABASA MO ANG
YOU belong with ME (Under Editing)
Teen FictionThe story of Sophia Blair Castillo. Na nagmahal sa isang taong taken na. Na si Zhian Suarez na isang campus heartthrob. At sa pag pasok nya sa buhay nito makikilala nya si Rianna at ang iba. Na syang mag babago ng takbo ng buhay nya.