Chapter 27

185 12 2
                                    

"Gusto nyo malaman kung ano ang relasyon namin ni Sophia?" Matapang nyang sabi. Ito na ata ang pinaka hihintay kong sagot sa buong buhay ko.

Ano ba talaga sila ni Leo?

"Leo!" Suway ni Sophia sakanya. Pero binalewala nya lang yun at tumingin samin lahat.

"Makinig kayong mabuti." Seryoso nyang sabi.

Dylan P.O.V

"Makinig kayong mabuti." Sabi nya at huminga ng malalim.

Masasagot na rin ang matagal ko ng gustong malaman.

Kyle P.O.V

Hindi ako makakapatay na sila na ni Rianna. Aagawin ko sya mula sa kanya.

Huminga sya ng malalim at. "Kami ni Sophia...ay MAGKAPATID." sabi nya.

Mukha namin nila Dylan, Zhian, Jiero At ako. 

(☉。☉)!

"Pinag loloko mo lang ba kami?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Leo matagal ka na naming kaibigan at alam namin na wala kang kapatid na babae..." Hindi rin makapaniwalang sabi ni Jiero.

"Hindi nga!?" -Dylan.

"Leo totoo ba yun?" - Zhian.

Napapikit face nalang si Leo at tumingin samin. "Sa tingin nyo nag bibiro ako?" Sabi nya.

"Totoo ba yun Sophia?" Tanong ni Zhian Kay Sophia at tumango ito.

"Oo..sana wag nyong ipagkalat sa iba."

"Totoo nga." Sabay naming sabi ni Jiero..

Pero... Teka!

"Teka pano naman yung pagiging close nyo ni Rianna?" Sabi ko. Aba sulitin na ng matapos na ito.

"Pati ba naman yun Kyle?" Hindi makapaniwalang sabi ni Rianna.

Natawa naman si Leo na hindi ko inaasahan. Teka bakit ako kinakabahan?

"Kuya wag mong sabihin. Sasabihin ko na Sa kanila?" Kinakabahan sabi ni Sophia.

"Teka! Ano yun?"- ako.

"Uy kayo ah!"- Jiero.

"Leo, magpaliwanag ka!" Seryosong sabi ni Zhian. Syempre kasama na ang kapatid nya dito kaya ganyan sya. Pero kinakabahan ako sa isasagot nya.

"Leo, okay lang ba sayo na sabihin sa kanila?" Tanong ni Rianna. Na lalong nakapag palibot ng noo namin.

"Teka wag nyong sabihin meron talaga kayong relasyon!!?" Sabi ni Jiro na nakapagpalabas sakin.

"LEO!" Galit na sabi ni Zhian at hinawakan ito sa kwelyo.

"Uy teka hindi ko pa sinasabi diba? Atat kayo? Tsk!" Sabi nya at binitawan na sya ni Zhian pero seryoso parin ang tingin nito kay Leo.

"Okay para makahinga na kayo ng maluwag mga boys!" Sabi nya na iba ang tono. Wait ano ito?  "I'M GAY~" sabi nya ng pangalang tono.

"ANOOO!!!?" Sabay sabay naming sigaw.

"Kaloka naman kayo! Ang sakit sa ears nun ah!" Maarte ng sabi nya habang hawak ang tenga nya.

"Leo! Sa tagal nating magkaibigan? Sabay patong naliligo. Tapos... Tapos.." sa hindi matapos na sabi Jiero. At O.A na niyakap ang sarili nya.

Habang ako parang nag malfunction na ang utak ko ang hindi ko alam kung nasa mundo pa ba ako.

YOU belong with ME (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon