(Play Pasalubong by Moira and Ben&Ben)
Lahat sila nag sisigawan sa kilig at nag taka rin ang iba sa mga nakita nila kanina. At ang isa lang ang nasa isip ko ngayon.
Anong nangyayari!?
Ako lang ba ang mukhang tanga na umaasa na totoo talaga yung mga sinasabi nya sa stage nung araw na yun?
Ito na ata ang pinaka nakakainis at nakakalungkot kung araw. Ang makita na hinalikan sya ni Mandy s pisngi at hinayaan nya lang yun kanina.
Gusto kong sabihin sa kanya na. Putspa ka! Niloko mo ako na May gusto ka sakin. Tapos ito ngayon balik nanaman sa simula ng buhay ko. ang umasa na naman. Sa isang mala happy ending ng love life na gusto ko. Na malabong mangyari kahit kailan.
Pagkatapos ng klase ay nag text sakin si Zhian na pumunta ako sa rooftop at ako lang daw dapat kaya pumunta ako dito. At nakita syang nakatayo kaharap ko. Ilang araw narin nung huling kita ko sakanya tapos ganito pa.
"Bagay talaga sakin ang bansag na Hopia, dahil palagi nalang akong umaasa na magugustuhan din ako ng taong gusto ko." Bulong ko sa sarili ko.
"Sophia..."
Nakabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Zhian.
Lumapit sya sakin.
"Sophia, pwede ba kitang makausap?"
"Tungkol saan?" Ano naman kaya ang gustong sabihin ni Zhian? Ilang araw ko rin syang hindi na nakakausap.
"Alam kong biglaan ang sasabihin ko pero..."
"Ano yun Zhian?"
"Sophia, gusto kita..."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.
Nang sabihin nya yun ay naisip ko si Dylan pero si Zhian ito at hindi si Dylan. Oo na inaamin ko na May gusto ako kay Zhian pero di ko alam kung humantong na ba ito dun sa level na yun.
Di ba Sophia ikaw ang May gusto nito? Gusto mo Si Zhian. Pero bakit si Dylan ang iniisip mo?
"Okay lang kahit wala ka pang sagot, mag hihintay parin ako." Ngumiti sya sakin at ibinigay ang ang isang dosenang bulaklak sakin.
"Zhian."
Nang makita kong biglang umalis si Sophia kanina ay alam kong nabigla sya susundan ko sana sya kaso hinawakan ako ni Mandy.
"The Deal." diin nya.
Tutal inutusan nya lang ako kunin ang gusto nya kanina. At hindi ko inaasahan na hahalikan nya ako sa pisngi sa harap pa ni Sophia.
Nang matapos na akong klase ay nag pasya akong pumunta sa building nila Sophia pero nakita ko syang tumakbo papuntang rooftop kaya sinundan ko sya Nang makarating ako sa rooftop ay nakita ko si Zhian na nakatayo ay harap ni Sophia
Kaagad kong naramdaman ang pag kirot ng puso ko ng makita sila.
Bakit? Hindi pwede Zhian...
Akala ko ba hindi mo sya liligawan. Pero bakit mo ginagawa ito? Kukunin mo lang ulit ang taong mahal ko tulad dati?
Nakikiusap ako wag si Sophia.
"Okay lang kahit wala ka pang sagot, mag hihintay parin ako." sabi nya at ibinigay ang bulaklak kay Sophia.
Matagal ko ng alam na May gusto si Sophia kay Zhian at alam kong simula pa dati ay nagkakaroon narin ng interes sa kanya si Zhian dahil ito ay childhood friend nya noon na sinasabi nya sakin na crush nya.
BINABASA MO ANG
YOU belong with ME (Under Editing)
Teen FictionThe story of Sophia Blair Castillo. Na nagmahal sa isang taong taken na. Na si Zhian Suarez na isang campus heartthrob. At sa pag pasok nya sa buhay nito makikilala nya si Rianna at ang iba. Na syang mag babago ng takbo ng buhay nya.