Chapter 10

19 0 0
                                    

Nag simula na ang party at ang lahat ay naka suot na ng swim suit at ang iba ay naka suot ng bikini. Nakita ko narin na nakasuot na ng bikini si beverly at ngayon umiinom kasama ng mga iba pa.

Kami naman ni Rianna ay nakaupo lang dito ay ini-enjoy ang pag kain sa lamesa, Malayo sa ibang tao.

"Pia wait lang dito ka lang may kukunin lang sa ako sa loob nalimutan ko pala yung camera ko. Babalik din ako." Paalam sakin ni Rianna. At patakbong pumunta sa loob ng bahay.

"Sige."

Pag alis ni Rianna ay mas lalo kong naramdamanan ang mabigat na mga tingin sakin. Kanina pa nila ako tinitingnan, kung sa school naman hindi nila ako napapansin bakit ngayong araw grabe sila makititig sakin. Lalo na mga kasamang babae ni Berverly.

Iniwasan ko nalang sila dahil ano pang mapapala ko. Hindi ko naman sila kayang sabihan na wag nyo akong tingnan.

Tinuloy ko nalang ang pag kain ko nang kakainin ko na ang cake na kinuha ko kanina ay may tumabi sakin.

"Hi miss beautiful, ang galing kaya mo naman palang maging maganda."

Hinawakan ni bryan ang kamay ko pero inilayo ko yun na amoy alak na ngayon. Isa si Bryan sa kinakatakutan na school dahil sa suki na sya sa Guidance office. Isa rin sya sa mga kilala bilang manyakis sa school.

Pinilit kong lumayo sa kanya pero nilalapitan nya parin ako. Nakita ko nman na tipid syang ngumiti sakin. "Ibang klase..panget ka na nga choosy ka pa. Ayaw mo bang makasama ang tulad kong gwapo?" Natatawa nyang sabi sabay mahigpit na inakbayan ako na pilit ko naman tinatanggal.

"Wag ka ng pakipot hopia, kung di ka naman kagandahan." Bigla naman sumulpot si Mandy at Beverly sa garap namin.

"Atleast nga may nag kagusto na sayo, ang crush mong si Bryan." Sabay tawa nila. Bakit ba sa lahat ako ang trip ng mga ito.

"Oh well sa tingin mo ba maaakit mo ang mga mata ng Myths sa suot mo?"

"Maganda ang damit pero hindi bagay sa tulad mo--"

Napataas naman ang kilay nya bg sumabat na ako bigla. "Kung wala na kayong gagawin kundi ipamukha sakin yan, aalis na ako." Paalis na sana ako ng biglang hilain ni Mandy ang kamay ko.

"At sino may sabing tapos na kami sayo?"

"Ang laks naman ng loob mong sumagot sagot. "

"Ano pa bang kailangan nyo para lubayan ako?"

Tipid syang ngumiti sakin. "Umalis ka sa party dun ka lang namin lulubayan."

"Pero-"

"Wala akong pake kung ininvite ka ni Rianna, ang gusto ko umalis ka. Right now!" Naiiritang sabi ni beverly habang dahan dahang umuupo sa tapad ng inuupuan ko.

Palagi nalang ganito ang ginagawa nila pag nakikita nila ako. Nasanay narin ako na pinapaalis nila.

Dahan dahan akong tumayo sa inuupuan ko palayo sa kanila ng biglang may tumulak sakin at nalaglag ako sa malalim na part ng pool.


"Kung ako sayo Jiero humanap ka ng kwarto mo." Kunot noong suway ni Kyle kay Jiero na kaliwa kanan ang ka-akbayang babae. "Bigyan mo nga ng kwarto ang kumag na ito Zhian. Napaka landi!"

Inilapag muna nito ang basong alak sa lamesa at tumingin sa kaibigan nya.
"Ang sabihin mo naiingit ka lang kaikai." Banggit nito sa nickname ni kyle. "Hindi mo kasi sya malapitan, torpe torpe ka pa kasi dyan."

YOU belong with ME (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon