Chapter 31

86 4 2
                                    

Dylan P.O.V

Grabe namn ang ulan ngayon mukhang makakatulog nanaman ako mamaya sa isang subject.

Hay kaantok kaya pag ganito ang panahon.

Habang papasok ako nakita kong papasok narin si Sophia kaya mabilis akong lumapit sa kanya at ginulo ang buhok nya.

"Ano ba!? kakaayos ko lang kaya ng buhok ko."

"Wow himala nagsu-suklay ka na pala!?" Pinipigilan kong tawa.

Nakita kong lumiit ng mata nya sakin. "Nagpapatawa ka ba? Pwes hindi nakakatawa."

"Ang taray namn nito, binibiro lang eh." Sabi ko at ginulo ulit ang buhok nya at sa pagkakataong yun ay wala na syang nagawa kundi ayusin ulit yun.

Parang slow motion ang pangyayari habang sinusukay nya ang buhok nya na pink rose na bumagay sa kutis nyang aakalain mong gatas. Isabay mo pa ang labi nyang natural ang pula. Kahit na wala syang make up nakatulong ang pagkawala ng pimple nya dahil nakikita na ang natural nyang ganda.

Lumabas ng tunay na ganda nya. Nasa langit na ba ako?

Bakit May anghel sa harap ko?

"Ang ganda naman..." Hindi ko napigilang sabi.

Napatigil sya sa pag aayos ng buhok nya at Napatingin sakin. "Huh? May sinabi ka ba Dylan?" Nag taka nyang tanong sakin.

"Ah!? A-ano. A-ang sabi ko, Ang ganda naman ng P-panahon ngayon n-noh!?" Kinakabahan sabi ko.

Napatingin sya sa paligid at tumingin ulit sakin. "Hindi ko alam na gusto mo pala ang tag-ulan." Nakangiting sabi nya.

*Badump*

"Oo, masarap kasi matulog sa klase pag ganito panahon." Pag dahilan ko.

Natawa naman sya sakin. "Loko-loko ka talaga." Habang napapailing nalang. "Hay naku."

Hindi ko na mapigilang mapangiti habang tinitingnan ko sya na nakangiti.

"SOPHIA!" May biglang malakas na sigaw akong narinig mula sa malayo.

Sophia P.O.V

"SOPHIA!" May biglang malakas na sigaw ang tumawag sakin. At napansin ko ang isang malaking karatula sa gilid.

~We love you Sophia!~

Wait? Anong nangyayare?

"Woah!~ sikat ka na Hopia!" Sabi ni Dylan at bigla akong pinalo sa balikat at napakalakas nun.

"Aray naman, anong bang meron? Kagagawan mo ba TOH!? Pwes hindi ako na tuwa Dylan!"

"Uy wala akong kinalaman dyan. Hindi mo ba alam simula ng pag make over mo. May nababalitaan na kong mga Fans club mo."

"Wait, F-Fans club???"

"Wait ngayon mo lang nalaman yun? Lahat ng students dito alam na May gumawa ng Fans club mo. At ang May pasimuno ay ang mga junior student sa building 3." Sabi nya.

What the!!?

"Sophia idol, masaya kaming makita ka ulit!!" May muli ulit sumigaw.

"You inspire us, that's why we love you."

"Sophia ang ganda mo!"

"PIA we love you!!" Sigawan nilang lahat.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil first time in my life n may nagagandahan sakin.


YOU belong with ME (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon