Margaux POV
"Ihatid nalang kaya kita?"
"Naku, wag na Amari. Kaya ko na. Maglalakad nalang ako, malapit lang naman eh"
Napasimangot naman sya "hays, sa susunod na nga lang. Ingat ka girl ha!"
"Sige, thank you. Ingat ka din. Bye"
Nagulat pa ako ng bumeso sya sa akin at saka nakangiting tumalikod sa akin para pumunta sa kotse nya.
Paalis na sana ako ng may umakbay sa akin kaya agad akong napatingin sa may ari non.
Nakangiting mukha naman ni Zeus ang bumungad sa akin "Tara. Hatid na kita"
Umiling ako "wag na, maglalakad nalang ako, malapit lang naman eh" paguulit ko sa sinabi ko kay Amari kanina.
Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa kanilang dalawa para ihatid pa ako, kaya ko naman ang sarili ko eh.
"Okay" simpleng sagot nya pero nakaakbay parin sya sa akin
Tinanggal ko yung kamay nya at saka sya nginitian "una na ako sayo, ingat ka"
"Ingat tayo" nakangiting sagot nya naman
"Sige"nagumpisa na akong maglakad ng may sumabay sa akin, nung tingnan ko naman ito ay si Zeus na diretsyong nakatingin sa unahan habang sumasabay sa akin maglakad.
Huminto ako at huminto din sya habang nagtatakang nakatingin sa akin.
"San ka pupunta?"
"Maglalakad din ako. Hatid kita sa inyo tapos saka ako sasakay pauwi. Ayaw mo sumabay sa akin sumakay sa kotse eh so lalakad nalang tayo"
Bahagyang nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya "hindi na! Mapapagod ka lang, malapit lang talaga ang bahay namin dito. Hindi mo na ako kailangan ihatid, umuwi ka na"
"Aish, wag ka ng makulit, tara na"sabay hatak nya sa kamay ko at naglakad na kaya wala na akong nagawa kundi maglakad na rin.
Habang naglalakad kami ay maya maya ako tumitingin sa likod ko dahil kanina ko pa napapansin yung sumusunod sa amin na itim na kotse.
Nananatili ang mabagal na takbo nito na para bang hinahayaan kami talaga na mauna.
Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang mga sasakyan na tila inis na bumubisina at lumalagpas sa kotseng sumusunod sa amin dahil sa bagal nito.
"Bakit ka ba tingin ng tingin sa likod natin?"
"Eh kasi naman, kanina pa sumusunod sa atin yang kotse na yan. Baka balak nya tayong kidnapin-ikaw lang pala. Wala naman silang makukuhang pera sa akin eh"
Napapansin ko rin kasi na sa amin nakatingin yung nagdra-drive eh, bukas kasi yung bintana ng kotse
"May laman loob ka rin naman, pwede nila yon kunin"
Napahinto ako at natatakot na tumingin sa driver na tumigil din pagtigil namin!
Masyadong matao sa lugar na ito, baka naghahanap lang sya ng tyempo para kidnapin kami!
Lumapit ako sa kanya at bahangyang bumulong "Pagbilang kong tatlo, tatakbo tayo--"
"Huh? Ba-"
"Isa, dalawa, tatlo!!"sigaw ko sabay takbo ng mabilis
Naramdaman ko naman na sumusunod sa akin si Zeus kaya hindi ako huminto hanggang sa may makita akong isang likuan kaya lumiko ako don.
"Margaux, bakit ka ba tumatakbo?!"
"Bilisan mo nalang, baka mahabol nila tayo!"
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko pero agad akong napahinto ng wala na akong matatakbuhan, may pader na sa harapan ko!
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante