Amari POV
"Hey, I told you to stop crying! Tingnan mo sa salamin yang mata mo, mugto na. Panget ka na"
Alam kong inaasar lang ako ni Zeus kaya hindi ko nalang sya pinansin. I'm busy staring at Margaux.
I can't believe na mangyayari ito sa kanya. Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na mangyayari itong bagay na ito sa kanya
Ang lakas lakas nya. Matapang na babae sya. Kinakaya nya ang lahat tapos ngayon makikita ko sya, nakahiga sa hospital bed
Bakit naman kasi sya pa? Ang daming masasamang tao diyan oh. Ang bait bait ng kaibigan ko para magkaganto sya
Pinahid ko ang luha ko at saka umubob sa higaan nya upang don mas umiyak
Nasasaktan ako para sa kanya. Antagal nyang nawala tapos ngayon ay makikita namin sya na nandito sa hospital at walang malay
Kung hindi pa kami tinawagan ni Dale kanina ay wala kaming kaalam alam kung nasaan sya. Umalis sya at tinaguan kami tapos magpapakita sya kapag nandito na sya
May humaplos sa likod ko, si Zeus. Pilit nya akong pinapatahan pero hindi ko magawa.
"What should we do?" Tanong ni Dale na kanina parin naiyak kasama ko. Kung mugto na ang mata ko ay sigurado ako na mas malala ang sa kanya
"Sabi ng doctor, kailangan syang operahan agad" sagot ni tita
"Ipaopera na po natin sya agad." singit ko
Hindi ko na kakayanin pang makita ang best friend ko sa ganitong katayuan
"Gusto namin. Gustong gusto namin pero wala pakaming sapat na pera para sa operasyon nya. Hindi namin kakayanin" muling tumulo ang luha nya
Hindi nga nila kaya. Alam ko na sobrang mahal ng pagpapagamot ng brain tumor.
"I'm willing to help. Tutulong ako. Gagamitin ko ang mga savings ko. Heheram ako ng pera sa magulang ko. Please, kailangan nya mapagamot" nakikiusap na sabi ko
Agad na umiling ang tatay ni Margaux "Hindi na. Maghahanap kami ng pera. Savings mo yon kaya itago mo yan at gamitin para sa sarili mo"
Tiningnan ko si Zeus na parang nanghihingi ng tulong. "Tito, we are willing to help. Para sa kaibigan namin, kahit maubos pa ang savings namin, okay lang. Pera lang yon, mas mahalaga ang buhay ng kaibigan namin"
"Iho. Ano nalang ang sasabihin ng magulang nyo kung gagawin nyo yon? Hayaan nyo nalang kami" muling pagtanggi ni tito
"No. Tutulong kami. Girlfriend ko sya, resposibilidad ko sya. I will use my own money." Tumingin sya sa mom at dad nya "You are willing to help, mom, dad, right? Tutulong kayo diba. Please. Kahit hindi nyo na ako bigyan ng allowance. Gumaling lang sya, okay na sa akin" nakikiusap ang mga mata nya
"Of course son, we'll help" sagot ni tito
"Hindi---"
"N-nay, t-tay"
Dale POV
Sabay sabay kaming napatigil at tumingin kay Margaux ng marinig namin ang boses nya
Gising na sya! Gising na ang girlfriend ko! Agad kaming lumapit sa kanya
Gusto ko na syang kausapin pero nanatili muna akong tahimik kasi alam ko na mas gusto syang kausapin nila nanay at tatay
"Nak, okay ka lang ba? Nagugutom ka ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin" umiiyak ma sabi ni nanay
"Ma-masakit po ang ulo ko" mahinang sagot nya.
Mas lalong lumakas ang iyakan na naririnig ko. Pinakamalakas ay kay Amari
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante