Chapter 33

1.2K 32 3
                                    

"let's go. Hatid na kita, may pupuntahan pa ako"

'Saan? Kay Jeah? Babantayan at aalagaan mo na naman sya?'

"San ka pupunta? Baka importante ang pupuntahan mo"

Hinawakan nya ako sa kamay at hinila na papunta sa kotse nya "Pupunta lang ako kila Jeah. Wala kasi syang kasama mamaya. Hindi naman yon importante kaya okay lang na ihatid muna kita"

'akala ko ba hindi importante pero bakit nagmamadali ka?'

Napatigil sya sa paglalakad ng tumunog yung cellphone nya. Binitawan nya yung kamay ko at saka sinagot yung tawag

"Hello, I'm with Margaux..... intayin mo ako diyan" pinatay nya yung tawag at saka nagmamadaling tumingin sa akin "Kailangan ako ni Jeah, sumasakit ang dibdib nya. Sakay ka nalang sa jeep, okay? Ingat. I love you"

Wala muli akong nagawa kundi ang panoorin syang natakbo pabalik sa room

'I love you too. Sabi mo ihahatid mo ako. Ayaw mo diba akong sumakay sa jeep at taxi pero bakit nakalimutan mo agad yon'

Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Wala pang jeep don, kaya nagintay muna ako

Wala na sila Zeus kasi nakauwi na sila, ang alam nila ay ihahatid ako ni Dale kaya nauna na sila

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko ng tumunog yon. Nakita ko na natawag si Amari kaya sinagot ko yon

"Hello, bes! Nakauwi ka na ba?" Tanong nya

Tiningnan ko muna yung paligid ko bago sumagot "oo naman, kakauwi ko lang. Bakit ka pala napatawag?"

"Are you sure? Bakit may naririnig akong mga sasakyan?"

"Nasa kalsada kasi ako" ayoko sabihin na nandito pa ako kasi siguradong susunduin nya ako. Nakauwi na siguro sya kaya ayoko na syang istorbohin

"Okay. I have something to tell you! Oh my gosh!" Excited na sabi nya. Halos umirit pa sya

"Ano yon?" Takang tanong ko

"Nagdedate kami ni Zeus! Oh my gosh! Nasa sinehan kami pero nagcr muna ako para tawagan ka. Ang sweet nya diba?"

Napangiti ako. Mukhang masayang masaya sya. Dati aso't pusa lang sila pero ngayon magkarelasyon na sila

Tumawa sya "Alam mo ba, hindi ko alam na pupunta kami dito. Ang alam ko lang ay ihahatid nya ako pauwi tapos nagulat nalang ako na iba na pala ang dinadaanan namin"

Natawa rin ako sa kanya "Edi kayo na ang sweet. Sige bye na muna, magliligpit lang ako HAHAHA" binaba ko yung tawag kasi nakakita na ako ng jeep

Mabilis akong sumakay don at nakipagsiksikan sa ibang pasahero. Nagbayad narin ako

Agad na lumabas ang takot ko ng makaramdam ako ng hilo, inilibot ko yung tingin pero umiikot silang lahat sa paningin ko

Please wag ngayon. Mamaya nalang please

"Sukli nung bente"

Ipinikit ko yung mata ko para mawala yung hilo ko. "Miss eto na daw sukli mo"

Iminulat ko yung mata ko para abutin yung binibigay sa akin nung lalaki. Agad akong nagpasalamat ng mawala na yung hilo ko

Bumaba ako sa tapat ng bahay namin at agad na pumasok don. Napaupo agad ako sa upuan namin dahil sa panghihina ko. Pakiramdam ko ay nanlambot ang mga hita at binti ko

Naramdaman ko na may humawak sa noo ko "Anak, okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Bakas sa boses ni nanay ang pagaalala nya

"Nay, nanghihina at nahihilo po ako" nangilid ang luha ko habang parang batang nagsusumbong sa kanya

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon