Margaux POV
Ilang oras na ba ako sa loob ng kotseng ito? Umabot na siguro ako ng mahigit isang oras dito at hanggang ngayon ay nandito parin ako.
Sobrang bored na bored na ako dito, wala akong magawa kundi ang maupo at tumingin sa labas ng kotse.
Hindi ako nangangalikot ng mga bagay sa loob ng kotse ni Dale kasi baka may masira ako at mapagalitan pa ako.
Pero bored na bored na talaga ako dito. Nangangalay na ako sa kakaupo ko dito pero wala naman akong magawa kundi ang magintay eh.
Muli akong tumingin sa loob ng restaurant at nakita ko sila don na hanggang ngayon ay nakaupo parin sa mga upuan nila. Grabe ang tagal nila!
Gaano ba karami ang kinakain nila at inabot na sila ng isang oras sa loon? Inorder na ata nila ang lahat ng nasa menu eh. Badtrip talaga!
Dapat hindi nalang nya ako sinama dito edi sana nasa bahay nalang ako at nagaaral kesa magintay sa kanilang dalawa.
Ilang minuto pa akong nagintay hanggang sa bumukas yung pinto sa tabi ko at bumungad ang mukha ni Dale
"Bumaba ka diyan. Uupo diyan si Jeah" utos nya
"Oh, kasama mo pala ang substitute girlfriend mo. Bakit mo naman sya pinaupo sa upuan ko. Baka mahawa ako sa kahirapan nya Dale"parang inis na sabi ni Jeah
Inis akong bumaba sa kotse ni Dale. Masama ang tingin sa akin ni Jeah kaya napayuko nalang ako.
Nakita ko na kumuha sya ng alcohol sa bag nya at saka inisprey sa loob ng sasakyan.
"Baka may mga germs sa loob ng sasakyan mo. Kailangan ko munang i-sanitize, baka magkasakit tayo"
Wow! Anong tingin nya sa akin, may nakakahawang sakit? Baka sya ang meron, ako wala!
Pagkatapos ng maraming pagiisprey nya sa loob ng sasakyan ni Dale ay saka palang sya pumasok at sinara yung pinto
Tiningnan ko si Dale nung maramdaman ko na nakatingin sya sa akin. "Umuwi ka na, may pupuntahan pa kami ni Jeah"
Tinalikuran nya ako at saka pumunta sa driver seat at pumasok sya don.
"Dale! Wala akong pamasahe pauwi!" Inis na sabi ko pero imbis na pakinggan ako ay nagmaneho na sya paalis.
Ano na ang gagawin ko? Dapat hinatid nalang nya ako kanina at hindi na pinagintay pa. Ang layo kaya nito sa bahay namin. Ang layo ng lalakarin ko!
Badtrip naman oh! Edi dapat kanina palang ay sinabi nya na umuwi na ako para nakapagumpisa na akong maglakad at malayo na ang narating ko hindi yung pinaghintay nya pa ako ng isang oras sa loob ng sasakyan nya!
Sabi ko na nga ba eh! Walang idudulot na maganda ang pagdikit dikit ko sa lalaking yon! Mali! Pagdikit dikit nya sa akin dapat!
Inis along nagumpisang maglakad pero hindi pa ako nakakalimang hakbang ng may tumigil na kotse sa gilid ko at ibinaba yung bintana.
Parang nakakita ako ng anghel ng makita ko si Zeus sa loob ng kotse nya.
"Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" Tanong ni Zeus sa akin
"Wala akong kasama. Iniwan kasi ako dito ni Dale kasama si Jeah. May pupuntahan kasi sila"
"Gago talaga ang lalaking yon!"inis na sabi nya
"Kuya, gago is a bad word!" Napatingin ako sa passenger seat ng kotse nya ng makarinig ako ng cute na boses at don ko nakita ang isang batang lalaki na sobrang cute.
"I know Dylan." Sagot ni Zeus. Tumingin ulit sya sa akin "He is my younger brother, Dylan" pakilala nito sa kapatid.
Nanatili ang tingin ko sa kapatid nya na nakakunot ang noong nakatingin din sa akin. Ang cute nya!
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante