Chapter 37

1.3K 34 5
                                    

"Ms Aviñante please proceed to the office now. Mrs Principal is looking for you" sabi ni ma'am matapos patayin ang tawag sa cellphone nya

Agad naman akong tumayo pero kasabay ko yung tatlo "Anong kailangan nya kay Margaux?" Agad na tanong ni Dale

"Maguusap lang kami." Ako na ang sumagot sa kanya

Sunod naman na sumingit si Amari "Anong paguusapan nyo? Is that important? Did you do something wrong?---no, no, no. I know you! Hindi ka gagawa ng mali. Oh my gosh. May ginawa bang masama sayo ang mga schoolmates natin?"

"You are being OA again, Amari. May paguusapan lang kaming importante. Walang kinalaman yon kahit kanino"

"I'll go with you--"

"No, we'll go with you" putol ni Zeus kay Dale

"No, may klase pa tayo. Ako nalang ang pupunta. See you later"

Mabilis akong tumakbo palabas para hindi na makahabol yung tatlo. Ayokong isama sila

Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko si Mrs Principal na busy sa mga papel na pinipirmahan nya yata

"Magandang araw po, Mrs Principal"

Nagangat sya ng tingin sa akin "Ms Aviñante. Nandito ka na pala. Mabuti naman" ibinaba nya ang ballpen na hawak at iniabot nya sa akin ang brown envelope "I got a letter from your mother. I understand that you are sick and your family wanted to go back to the province."

Isang malungkot na ngiti ang binigay ko sa kanya "Thank you po ma'am"

Inabot nya ang kamay ang kamay ko at bahagya yong pinisil "Can't you stay here? Kahit hanggang makagraduate ka lang ng senior highschool. Isa ka sa mga pride ng school and the school needs you"

"Ma'am, yes, the school needs me pero kailangan din po ako ng pamilya ko. Mahirap po ang buhay namin at dahil po sa kalagayan ko ay mas naghihirap pa po kami. We cannot afford to stay here in Manila. At least po sa probinsya ay nandon ang mga kamaganak namin na makakatulong sa amin"

"I understand you." Itinuro nya yung brown envelope "Nandiyan na lahat ng kailangan mo. Form 137 and form 138 are also there. I hope you will be okay soon"

Bahagya akong yumuko "Thank you ma'am. Alis na po ako" naglakad na ako palabas pero bago ako tuluyang makalabas ay muli akong lumingon "Ma'am. Please wag nyo pong sabihin sa iba na may sakit ako. I wanted to look normal while I'm still here. Let me be happy with them na wala po silang iniisip na iba"

"I won't" nakangiting sabi nya

"Thank you po"

Bumalik ako sa room namin pero wala na akong nadatnan na professor don. Maingay na mga classmates ko lang ang nadatnan ko

"Anong pinagusapan nyo?" Agad na tanong ni Amari

"Wala, hindi naman impor---hoyyy akina yan!" Sigaw ko ng biglang inagaw sa akin ni Dale yung envelope

"Wait. Titingnan ko lang ang laman" sabi nya habang iniiwas sa akin yung envelope

Pilit ko yong inaagaw "akina kasi!" Hindi nya pwedeng makita ang laman non. Magtatanong na naman sila

Umakyat sya sa isang upuan at saka kinuha yung laman ng envelope. Unti unting kumunot ang noo nya ng makita ang laman non "What is the meaning of this? Bakit nasayo ang card mo at form 137?"

Mabilis kong inagaw yung envelope at yung mga laman non ng maibaba nya yon dahil sa pagtataka nya

"Wala ito. Matatapos na kasi diba yung first sem natin this week." Pagiwas ko sa usapan.

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon