Alas syete ng gabi pero hindi parin ako makatulog. Gusto ko syang makausap. Maaga ang alis namin bukas kaya siguradong hindi ko na sya muling makikita pa.
Gusto ko magpaalam sa kanya. Gusto ko na sabihin sa kanya ang lahat. Gusto ko na magsumbong sa kanya
Hindi ko natiis kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sya. Please sagutin mo
"Hello?"
"Dale"
"Margaux. Bakit ka napatawag?" Parang nagmamadaling tanong nya
"Ahmm kasi-"
"Wait lang, Margaux. Pwedeng mamaya ka na tumawag, busy lang talaga ako love eh"
"Saglit lang ito Dale. Pwede ka bang pumunta sa playground malapit sa amin, may importante lang akong sasabihin"
"pwede bang bukas na tayo magusap. Busy talaga ako ngayon"
Napapikit ako ng maramdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko, araw araw nalang ba?
"Please. Ngayon lang. Ngayon nalang promise, after this, hindi na kita iistorbohin"nakikiusap ang boses ko
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya "Sige. Papunta na ako" sabay patay nya ng tawag
"Thank you" bulong ko kahit wala na akong kausap
Nagmadali akong lumabas ng bahay at nagpaalam kila nanay na magpapahangin lang ako sa labas.
Naglakad lang ako papunta sa playground dahil malapit lang naman yon sa amin. Umupo ako sa duyan habang iniintay sya
"Anong sasabihin mo sa akin?" Nagmamadaling tanong nya nung makarating sya
Tinuro ko yung katabi kong duyan "upo ka muna" mahinang sabi ko
Umupo naman sya don. Bahagya akong humarap sa kanya "Bakit hindi ka bumalik kanina?"
Agad syang nagiwas ng tingin. Yon palang ang ginawa nya pero nasaktan na ako. Alam ko na kung bakit hindi sya bumalik
"Dahil ba sa kanya?" Tanong ko kahit sigurado na ako
"Sinamaan sya ng lasa kanina. Wala ang parents nya kaya kailangan ko syang samahan."
Masama din naman ang pakiramdam ko kanina hanggang ngayon pero pinili ko pa rin na sumama sa kanila kanina kasi ito na yung huling araw eh
Iniwas ko ang tingin ko ng magsimulang mangilid ang luha ko. Tiningnan ko nalang ang mga damo habang mahinang dumuduyan
"Sabi mo babalik ka. Nangako ka eh. Nangako ka na hindi ka pupunta sa kanya ngayon."
"Intindihin mo naman ako! Margaux, may sakit sya. Stop being selfish. She needs me. Kailangan nya ako para alagaan ko sya"
'But I need you too, may sakit din naman ako eh'
Selfish? Sana nga selfish nalang ako. Kung alam nya lang kung gaano ko sya kagustong ipagdamot pero hindi ko magawa kasi alam ko na kailangan sya ni Jeah
"Yan lang ba ang sasabihin mo? Kailangan ko bumalik kay Jeah. Wala syang kasama sa bahay nila"
Agad ko syang hinawakan sa braso nya ng akmang tatayo sya "Hindi ba pwedeng magstay ka lang kahit sandali. Promise, sandali nalang" pakiusap ko
"But Jeah needs me. Masama parin ang pakiramdam nya"
"I need you too. Kailangan din naman kita. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Kahit ngayon naman piliin mo ako. Kahit ngayon nalang Dale"
Masama nya akong tiningnan "Hindi mo ba ako naiintindihan. May sakit si Jeah. Masama ang pakiramdam nya. I have to be there. Bukas nalang tayo magusap"
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante