Margaux POV
"Iha, kumain ka pa" sabi sa akin ni Mrs Bernas
"Ah okay na po ito" nagaalangan na sabi ko
"Ito pa oh. Kumain ka pa para tumaba ka naman. Tingnan mo nga ang katawan mo, mukha kang kawayan"
Dinagdagan pa ni Zeus yung pagkain sa plato ko. Kanina nya pa yan ginagawa pero hindi naman ako makatanggi kasi kaharap namin sila Mrs Bernas at nakatingin sa amin. Nakakahiya!
"Yan pa, masarap yan"
"Dale, bakit hindi ikaw ang gumawa nyan sa girlfriend mo? Bakit hinahayaan mo ang kaibigan mo ang magbigay ng pagkain sa girlfriend mo?"
Napahinto kaming tatlo sa pagkain dahil sa sinabi ni Mr Bernas.
"Hindi nya po kasi ako girlfriend" ang sarap sabihin yon pero hindi ko magawa
"Tsk" sabi ni Dale
Inagaw nya yung tinidor at kutsilyo sa akin para ipaghiwa ako ng baboy. Inagaw hindi kinuha!
Napangiwi ako dahil sa ginawa nya, nadali ng kutsilyo yung isang daliri ko!
"DALE!" sigaw ni Mrs Bernas nung makita nya na dumugo yung daliri ko
"Ano ba Dale! Magdahan dahan ka naman!" Sigaw din ni Zeus sabay kuha ng panyo sa bulsa at pinunasan yung dugo sa isang daliri ko
"Akina!" Hinila ni Dale yung braso ko patayo "girlfriend ko sya, ako ang gagawa nito para sa kanya"
Hinila nya ako sa kung saan hanggang sa dumating kami sa tapat ng lababo malayo kila Zeus.
"Hugasan mo ang sugat mo, hindi ka kasi nagiingat"
"Wow, ako talaga ang hindi nagiingat ha. Nakakahiya naman sayo!"
"sorry"sabi ko
"Wag kang lalapit kay Zeus pagnasa harap tayo ng magulang ko. Tanga ka ba? Hindi mo ba naisip na baka mahalata nila na nagpapanggap lang tayo. Wag mong gamitin ang kaibigan ko para umangat ka sa buhay mo. Manggagamit"
Agad na nangilid yung luha ko pero pinilit ko na pigilan ang pagtulo nito.
Kahit kelan ay hindi ako nanggamit ng tao para umunlad. Hinding hindi ko yon gagawin. Mas gugustuhin ko pa na maging mahirap kesa manggamit ng tao.
Oo, hindi ako kontento sa buhay namin ng pamilya ko. Hindi ako kaylan man magiging kontento dahil kapag naging kontento ako ay mawawala ang mga pangarap ko.
Ang hindi pagiging kontento ay isa sa mga dahilan kung bakit patuloy akong nagaaral at nangangarap.
Hindi nalang ako nagsalita at patuloy nalang na nilinis yung sugat ko.
"Kayo talagang mahihirap, mga manggagamit. Bakit hindi nalang kayo maging masaya para sa aming mayayaman"
"Masaya ako para sa inyo kasi hindi nyo nararanasan ang buhay naming mahihirap pero hindi mo na dapat ipangalandakan na mahirap lang kami"
"Bilisan mo diyan!"
Tinapos ko ang paglilinis ng sugat ko at saka kami bumalik sa hapag kung saan sila nagiintay.
Agad na lumapit sa akin si Zeus pero hindi ko sya pinansin. Pinili kong lagpasan sya para hindi ako masabihan ng manggagamit!
Alam ko na hindi totoo yon pero masakit parin eh. Ano nga bang laban ko sa isang Dale Bernas?
"Ayos ka lang ba? Patingin nga ng sugat mo. Gagamutin ko"
"Okay na ako" simpleng sagot ko
"Dale naman, girlfriend mo si Margaux. Magdahan dahan ka naman. Tingnan mo, nagkasugat tuloy si Margaux"
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante