Chapter 1

3.4K 58 11
                                    

Margaux POV

Ito na naman po ako, babangon ng maaga, maglilinis ng bahay, magluluto at papasok sa paaralang maraming bully.

"Anak, bilisan mo na kumilos diyan. Baka malate ka na naman at mapa-guidance ka ulit"sabi ni nanay

"Opo nay, ayoko na rin po mapaguidance"sagot ko

Yes, napaguidance ako. Biruin mo nalate lang ako pero naguidance na agad ako. Ang nakakaasar lang ay dalawang minuto lang ako nalate! Dalawang minuto lang! One hundred twenty seconds lang yon pero sa guidance agad ako napunta!

May mas nakakainis pa don! Yung isa kong classmate na dinatnan ko nung bumalik ako sa room galing sa guidance, kakapasok lang, tapos pumasok sya sa room at wala manlang nagalit sa kanya samantalang ako ay hindi pa nalapat yung paa ko sa sahig ng room ay nasermonan na agad ako!

Gusto kong magreklamo pero wala rin naman akong magagawa kasi scholar lang ako sa school na iyon at maswerte pa ako na nakapasok ako don.

Nagmadali na ako maligo at saka nagbihis. Lamabas agad ako sa kwarto ko-kung kwarto nga ba yon-at saka ako nagluto ng sinaing sa kahoy at habang hindi pa nakulo ay nilinis ko muna yung bahay namin

Madali lang naman linisin ang bahay namin kasi maliit lang ito, kasing liit lang siguro ng kwarto ng mayayaman

Nung matapos na ako maglinis at masaing ay nagluto naman ako ng isda at saka nilagay sa bugungan yung isang piraso ng buntot kasama ang kaunting kanin para sa aking tanghalian.

"Nay, alis na po ako" sabi ko

"Sige, anak. Magiingat ka" sabi nya

Nga pala, ako si Nathalie Margaux Aviñante, seventeen years old palang ako. Simpleng babae lang ako.

Naglakad na ako papasok sa school namin kasi wala naman kaming sasakyan para maghatid sa akin tapos kung sasakay naman ako ay sayang pa sa pamasahe.

Bente lang ang baon ko sa isang araw at baka pagginastos ko pa yon pangpamasahe sa jeep ay dose nalang ang matira.

Hindi sapat ang baon ko pero pilit ko yon pinagkakasya, hindi na nga ako bumibili ng pagkain ko sa school at nagtyatyaga lang ako sa baon ko na kanin.

Iniipon ko yung mga natitira ko na pera para magamit kung may kailangan kami sa school. Mahirap ang buhay ngayon at hindi basta basta napupulot lang sa kalsada ang pera.

Nung makarating ako sa school ay agad kong pinakita yung ID ko sa guard para papasukin ako.

"Nandito na pala ang pulubi"

"Tingnan nyo yung damit nya, mukhang basahan na"

"Yung bag nya, konti nalang ay masisira na"

"eh ano pa yung sapatos nya? Konting takbo nalang ay nganga na"

Ang dami kong naririnig na bulungan sa mga nadadaanan ko pero hindi ko nalang yon pinapansin. Wala rin naman akong mapapala kung lalabanan ko sila.

Wala kaming uniform dito, kahit anong gusto mong isuot ay ayos lang. Okay lang sa akin na walang uniform para hindi na kami maghirap ni nanay at tatay na maghanap ng pera para makapagpatahi.

Masaya man ako na wala kaming uniform ay hindi ko rin maiwasan na mainis. Araw araw ay pinagbubulungan ako ng mga studyante dito dahil sa suot ko. Mga luma na kasi ang mga damit ko at halos kumupas na yung kulay non pero pinagtyatyagaan ko parin kasi wala naman akong pambili ng bago eh.

Mayayaman ang mga studyante dito sa paaralang ito kaya hindi narin nakakapagtaka na magaganda ang suot nila habang ako ay mukhang basahan.

Dumiretsyo ako sa room ko at saka naupo sa pinakadulong upuan dito sa likod. Mag-isa lang ako dito kasi walang gusto na tumabi sa akin kasi baka mahawa daw sila sa kapulubihan ko.

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon