Chapter 3

1.4K 49 6
                                    

Margaux POV

It's been a week since nangyari yung deal at nagpapasalamat naman ako ng wala pa akong kailangang gawin.

Pinipilit ko rin umiwas kay Dale at Jeah dahil ayoko ng gulo. Patuloy rin pala ako na nananalangin na sana magbago ang isip ni Dale tungkol sa deal.

Ang dami naman kasing ibang babae diyan pero ako pa ang napili nya. Gusto ko lang naman magaral pero bakit ba nangyayari sa akin ito?

Tahimik akong kumakain dito sa garden ng academy. Hindi na kasi talaga ako kumakain sa room namin para makaiwas sa mga maaarte kong classmates, buti nalang walang masyadong tumatambay dito.

"Buti naman at nakita kita agad" napaangat ang ulo ko ng may tumayo sa unahan ko at agad akong kinabahan ng makita na si Dale yon!

"A-ano ang ka-kailangan mo?" Nauutal na tanong ko

Hindi ko parin maiwasan matakot pag nakikita sya sa kaalaman na isang maling galaw ko lang ay pwede syang tumawag sa tatay nya para tanggalin ako dito sa academy!

"Ngayon na maguumpisa ang deal natin. Kailangan na sumama ka sa bahay namin para maipakilala kita sa parents ko kaya intayin mo ako sa gate mamayang uwian"pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na sya

Nakaramdam ulit ako ng kaba habang iniisip kung ano ang mangyayari mamaya. Haharap kami sa parents nya at ipapakilala nya akong girlfriend nya.

Paano kung hindi nila ako magustuhan? Paano kung tanggalin nila ako sa school kasi ayaw nila sa akin?

Nanghihina nalang akong bumalik sa room at nakinig sa guro namin habang pinagdarasal ko na tumigil muna kahit sandali ang oras at wag dumating ang uwian.

Ngunit alam ko naman na imposible yon mangyari kaya ng sumapit ang uwian ay hindi ko alam ang gagawin ko.

Nung makalabas na sa gate ang mga studyante dito ay saka palang ako lumabas. Natigilan ako ng nakaisip ako ng paraan para hindi ako makasama kay Dale at yon ay ang tumakas.

Mabilis akong naglakad palayo pero napatigil din ng marinig ko ang boses nya sa likod ko!

"San mo naman balak pumunta? Subukan mo lang akong takasan dahil isang tawag ko lang kay Dad ay goodbye academy ka na"

Napahinga nalang ako ng malalim saka humarap sa kanya "Hindi ka ba nahihiya sa parents mo na ako ang ipapakilala mo, mahirap lang ako at tingnan mo ang damit ko" itinuro ko pa ang mga damit ko "lumang luma na ito kaya sigurado akong hindi ako magugustuhan ng parents mo"

Sinusubukan ko lang naman na magsabi ng kung anu-ano baka kasi marealize nya na hindi dapat ako ang ipakilala nya sa pamilya nya!

Buti nalang walang tao dito kundi lagot na naman ako kasi sigurado akong maiissue na naman ito

"Hindi ako uto uto para hindi malaman na gumagawa ka lang ng paraan para hindi matuloy ang deal na ito. Marami akong pera kaya kaya kitang paayusan"masamang tingin na sabi nya sa akin

Napayuko nalang ako. Kailangan nya pa ba ipamukha sa akin na marami syang pera?

"Humanap ka nalang kasi ng iba. Marami namang willing diyan sa tabi tabi"

"Pinili kita kasi alam ko na hindi ako magkakagusto sa katulad mo. Look at you, masyado kang mahirap para magustuhan ko at bumagay sa akin"agad nangilid ang luha ko pero pinigilan ko na tumulo iyon

"Sige na pumapayag na ako pero tigilan mo ang kakainsulto sa akin!"

Sabagay tama sya, hindi ako bagay sa kanya dahil mayaman sya at mahirap naman ako. Ang mga mayayaman ay bagay lang sa mayayaman at ang mahirap naman ay nababagay lang din sa mahirap. Mayaman nga sila pero para naman wala silang pinagaralan!

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon