Amari POV
Taena! Ang sama ng tingin sa akin ni Zeus. Napatigil naman sa paglalambingan si Margaux at Dale.
"Sinong Elvin naman yan, Amari?" Matalim na sabi ni daddy. Patay!
"Ahmm----"
"No, she's just lying tito! Bye" biglang sabi ni Zeus nung inagaw nya sa akin yung phone nya
Sinuntok ko yung balikat ni Zeus pero ako yung nasaktan "boyfriend mo si Elvin?" Masama ang tingin nya sa akin na parang handa akong lamunin ng buhay
Nginisian ko sya. Yung mapangasar "yes. We've been in a relationship for about 2 years" sige. Mangasar ka pa. Kala mo ah
"Bakit hindi ko alam, Amari? Hindi mo sinabi sa akin" sabat ni Margaux
"Alam nyo kasi, hindi ko naman kailangan sabihin sa inyo. Secret relationship lang kasi kami pero dahil alam nyo na. Hindi na namin kailangan magtago" patawarin nawa ako ni Elvin sa paggamit ko ng pangalan nya
School mate namin si Elvin. Kaibigan ko sya don sa dating section ko. May nagugustuhan na yon pero hindi ko alam kung sino
"Break na kayo ni Amari" taka kong tiningnan si Zeus pero nagulat ako ng makita na may kausap sya sa cellphone ko
Inagaw ko yung cellphone ko pero nilayo nya lang "hoy, sino yan?"
Tinakpan nya yung bibig ko. Kitang kita ko kung sino yung kavideo call nya! Si Elvin!
Pinilit kong tanggalin yung kamay nya sa bibig ko pero mas hinigpitan nya yon
"Anong pinagsasabi mo bro?" Medyo natatawang tanong ni Elvin
Buking na ako! Wala na! Minsan na nga lang magsinungaling tapos mabubuking pa ako!
"Break na kayo ni Amari. Wag mo na syang ichat. Wala ka ng mapapala sa kanya"
Natawa na talaga si Elvin. "Ano bang pinagsasabi mo diyan bro?"
"Binge ka ba? Sabi ko break na kayo! Naiintindihan mo ba huh?!" Tanga talaga nito si Zeus. Walang kami kaya walang magbrebreak. Pinapahiya nya lang sarili nya
Tangek naman kasi. Ayaw tanggalin kamay nya sa bibig ko. Hindi ko na pinilit na makawala sa kamay nya. Hinayaan ko nalang syang mapahiya
"Bro, hindi kami pwedeng magbreak"
"Anong hindi pwede? Bakit hindi pwede? Wala akong pakialam sayo. Break na sabi kayo. Wag mo ako tawaging bro, hindi tayo close"
"Hindi nga kami pwedeng magbreak" tatawa tawang sabi ni Elvin
"Tangina mo! Sinabi ng break na kayo. Wala ka ng magagawa don! Naiintindihan mo ba?!" Nanggagalaiti na talaga sya sa galit. Sobrang nakakunot na ang noo nya tapos ang lakas na ng boses nya
Bakit ba sya nagkakaganyan? Para syang baliw! Pakialam nya ba sa buhay ko
"Hindi nga kami pwedeng magbreak. Wala naman kasing kami. Hindi naging kami"
Natigilan si Zeus at lumuwag ang pagkakahawak nya sa akin kaya kumawala ako saka ko inagaw yung cellphone sa kanya
"I'm so sorry, Elvin. Nababaliw na kasi itong si Zeus. Pinagkamalan ka pa nyang boyfriend ko" paghingi ko ng tawad. Nakakahiya!
Tumawa si Elvin "okay lang yon. Okay lang naman na maging boyfriend mo kunwari HAHAHAHA bye na"
"Sige bye na. Sorry talaga" pinatay nya na yung tawag
Tiningnan ko si Zeus ng nakangisi. Sinamaan nya ako ng tingin
"Galing ko diba?" Tinaas baba ko pa yung kilay ko
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante