Margaux POV
"Kamusta ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sayo?" Tanong ni Dale sa akin na parang nagaalala.
Kung hindi ko lang alam na nagpapanggap kami ay siguradong napaniwala nya na akong nagaalala talaga sya.
Umiling nalang ako at saka tumingin kina Zeus at Amari na masama ang tingin kay Dale.
Nasa clinic kami at pinagamot yung mga kalmot ko sa batok, hindi ko namalayan na nakalmot na pala ako ni Jeah kanina, parang pusa!
"Sigurado ka? Yung ulo mo, hindi ba masakit? Dadalhin na kita sa hospital" pangungulit nya pa
Umiling ulit ako habang nakatingin kay Zeus na nakakuyom ang mga kamay at matalim ang tingin kay Dale.
"Yung sugat mo, hindi ba mahapdi?"
Umiling ulit ako sa tanong niya
Kitang kita ko yung galit ni Zeus, pati narin ni Amari. Nagawa nyang sampalin si Dale kanina dahil sa galit nya!
Ayaw pa nga nila pasamahin si Dale dito sa clinic pero nagpumilit ito, parte ng pagpapanggap.
"Bakit ba kay Zeus ka nakatingin?! Kinakausap kita, Margaux"
Umiling ulit ako sa tanong nya. Kanina halos suntukin na ni Zeus si Dale buti nalang at napigilan ko. Magkaaway na talaga sila at nakakalungkot na dahil yon sa akin.
"Margaux!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng sumigaw si Dale kaya tiningnan ko sya at nakakunot ang noo nya sa akin
Nagtataka akong tumingin sa kanya "bakit ba?"
"Anong bakit ba ha! Kanina pa kita kinakausap pero kay Zeus ka nakatingin. Ano bang meron sa kanya at hindi mo maiiwas ang tingin mo sa kanya?"
Pakiramdam ko ay pumula ang mukha ko dahil sa sinabi nya. Nahuli nya akong nakatingin kay Zeus!
"Nagblu-blush ka ba girl?" Tanong ni Amari
Nakangisi syang lumapit sa akin at umupo sa clinic bed kung saan ako umupo "oo nga! Nagblu-blush ka nga. Kinikilig ka ba kay Zeus ha?"
Pakiramdam ko ay mas pumula pa yung mukha ko dahil sa pinagsasabi nya. Hindi ako kinikilig, naiilang ako!
"Ang sweet nyo kanina sa room, grabe! Nakakakilig"
"Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko
Mas ngumisi sya sa akin na parang may binabalak talaga sya "Bagay na bagay kayo! Maging kayo nalang kaya"
Nababaliw na ba sya? Hindi nya kailangan sabihin yon! Nakakahiya sa mga nurse na nakangiti sa akin ngayon.
"Diba nurse bagay sila?" Tanong pa nito sa mga nurse
"Oo naman, mabait naman si Zeus at gwapo pa. Maganda rin naman si Margaux kaya bagay na bagay sila" sangayon nung nurse at yung isa naman ay tumango!
"Dito ka nga Zeus, tabi kayo ni Margaux. Kunan ko kayo ng picture tapos i-wallpaper mo para naman may inspirasyon ka"kumindat pa ito kay Zeus
Biglang lumapit sa akin si Zeus na nakangisi din at saka tumabi sa akin at bigla akong inakbayan!
"Bilisan mo magpicture, gandahan mo ha" utos nito kay Amari
"Okay"bigla nitong nilabas ang cellphone nya at nagpipindot don tapos sunod sunod na flash ang lumabas.
Lumalayo ako kay Zeus pero mas hinihigpitan nya yung pagkakaakbay nya sa akin "bitawan mo nga ako, ano bang ginagawa nyo?"
"Ngumiti ka nalang"bulong nya na nakangiti sa camera
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante