Amari POV
Ang tagal naman nila. Kanina pa sila sa loob tapos hanggang ngayon ay hindi parin sila nalabas
Ilang oras na kaming nagiintay sa pagbubukas ng pinto pero ang tagal talaga
Pare parehas lang kami nakatingin sa pinto, walang nagbalak magsalita. Pare parehong malalim ang iniisip
Ngayon ko lang naranasan ang matakot ng ganito at hindi talaga sya masarap sa pakiramdam. Ayoko na maranasan ito pero hindi ito mawawala hanggant hindi lumalabas ang doctor sa pintuan na iyo para sabihin na maayos na ang lahat
Gusto kong magwala para buksan nila ang pinto at makapasok ako pero wala na akong enerhiya para gawin yon
Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at hinang hina. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko
Isang buwan na akong ganito. Wala akong sakit pero nanghihina ako dahil kay Margaux. Nanghihina ako dahil sa kalagayan nya
"Hindi ka ba nagugutom anak?" Tanong sa akin ni daddy, sya ang bumasag sa katahimikan
"Wala po akong gana" sa tingin ko ay hindi ko kakayanin na ngumuya manlang habang iniisip ang kalagayan ni Margaux sa loob
Hindi ko kayang isipin na binubutas ang ulo nya para matanggal ang tumor na yon
Lintik na meningioma naman kasi na yon! Sa daming ulo na dadapuan ay sa best friend ko pa na naisipan dumapo!
Kung may katawan tao lang talaga ang sakit na yon ay baka napapatay ko na dya
"Ilang oras na tayong nandito, sigurado akong kumakalam na ang sikmura nyo"
Ayoko tumayo para kumain. Dito lang ako. Gusto ko nandito ako kapag lumabas ang doctor tapis sabihin na okay na si Margaux
"Magsikain na kayo. Kami na ang bahala dito. Salamat sa tulong nyo" sabi ng tatay ni Margaux
"Hindi po ako aalis dito, magbabantay po ako para kapag lumabas ang doctor ay nandito ako" pamimilit ko pa
"Sige, kung yan ang gusto mo. Bibili muna kami ng pagkain nating lahat"
Umalis sila mom at dad para bumili ng pagkain. Masaya ako na nandito sila kasama namin. Malaking tulong para sa akin yon lalo na at pinanghihinaan na ako ng loob ngayon kahit ang isip ko ay sinasabing magtatagumpay ang operasyon
Isa isa ko silang tiningnan, si tita na nanay ni Margaux ay kanina pa walang imik. Tulala habang patuloy na umiiyak
Si tito na pinapalakas ang loob ni tita kahit alam ko naman na pinanghihinaan narin sya ng loob
Si Zeus na kanina ko pa katabi ay pilit din pinapalakas ang loob ko
Ang mga magulang ni Dale at Zeus na parehas bakas ang pagaalala sa mukha
Si Dale na halatang kulang sa tulog. Bihira na sya matulog simula nung hindi gumising si Margaux. Ayaw nya iwanan
Naaawa na nga ako sa kanya, tulala lang sya lagi tapos madalas syang umiyak.
Alam ko na sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari kay Margaux. Ako rin naman, nung una ay sinisisi ko rin sya pero narealize ko na wala naman syang kasalanan. Hindi naman sya ang naglagay ng tumor sa utak ni Margaux
Madalas din syang nalilipasan ng kain. Parang wala syang kagutuman.
Kinakausap nya lang lagi si Margaux tapos nagmamakaawa sya na gumising na ito
Minsan nga ay iniisip ko na baka gusto na talagang mamatay ni Margaux pero agad ko yon tinatanggal sa isip ko
"Son, are you okay?" Tanong ni tita kay Dale
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante