"magbreak na kayo!"
Lahat kami ay napatahimik matapos sabihin yon ni tatay. Walang nagbalak magsalita dahil sa awra nya
Hindi ko nagawang magpaliwanag sa kanya kagaya ng sinabi ko. Si Amari, Zeus at Dale ang nagpaliwanag
Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o magsasabi ng katotohanan
Yung tatlo ang nagdesisyon para sa akin. Andami nilang sinabi na kasinungalingan na kung ako lang sila nanay ay maniniwala na ako
Ang galing nilang magsinungaling, hindi halata. Kapag kasi ako nagsinungaling ay mahahalata ako
"Tay?" Ako ang unang nagsalita
Kinakabahan parin ako hanggang ngayon dahil baka madissapoint sila sa akin
"Maghiwalay na kayo" paguulit nya
"Teka lang naman po Sir" sabi ni Dale na lumapit pa sa akin
Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko at bahagyang hinila ako palapit sa kanya. Nasa kaliwa ko kasi sila nanay at sya naman ay pumunta sa kanan ko
"Hindi naman po ako papayag diyan"
Biglang sumama yung mukha ni tatay dahil sa ginawa nya. Masama pa nyang tiningnan yung kamay ko na hawak ni Dale
Hinila ko yung kamay ko sa pagkakahawak ni Dale dahil sa sama ng tingin ni tatay pero hindi nya yon binitawan. Mas hinigpitan pa
"Bitawan mo ang anak ko" matalim na sabi ni tatay
"Ron, tama na. Nakakahiya" pagpapakalma ni nanay sa kanya
Hindi parin nagsasalita yung iba, basta nalang silang nakatingin sa amin na parang natatakot na sumabat
"Hindi po ako papayag na paghiwalayin nyo kami. Mahal ko po ang anak nyo at mahal nya rin ako. Mahal po namin ang isa't isa......pero mas mahal nya ako"
Napanganga akong tumingin kay Dale dahil sa sinabi nya at saka sya sinamaan ng tingin "Ano bang pinagsasabi mo?"
Nasa ganitong sitwasyon na nga kami pero nagagawa nya pang magsalita ng ganyan. Kailan ba talaga sya magseseryoso
"Tunay naman eh. Wag ka ng umangal" bulong nya sa akin
Napahampas nalang ako sa noo ko dahil sa inis sa kanya. Nababaliw na talaga sya!
"Wala akong pakialam kung nagmamahalan kayo. Hindi kayo bagay, sasaktan mo lang ang anak ko"
Masyadong advance si tatay. Nahulaan nya agad na sasaktan ako ni Dale
"Don po tayo magusap sa labas, nakakahiya po sa kanila kung dito tayo magtatalo"
Masama kong tiningnan si Dale dahil sa sinabi nya. Nababaliw na ba talaga sya, paano kung saktan sya ni tatay
Maglalakad na sana sya palabas ng pigilan ko sya "nababaliw ka na" bulong ko sa kanya
"Don't worry, I'll be fine" nakangiting saji nya
Sabay silang naglakad palabas ni tatay "Go! Son! Kaya mo yan" masayang sabi pa ni Tita Edna. Masaya pa talaga sya samantalang kinakabahan na ako
"Pasensya na kayo kay, Ron. Nagaalala lang kami sa anak namin" paghingi ng tawad ni nanay
"Okay lang yon, Balae. Naiintindihan ko kayo. Wag kayong magalala, mabait naman ang anak ko"
Gusto kong masuka dahil sa sinabi ni tita Edna. Mabait? Si Dale? Asa!
Hindi mabait yung impakto na yon! Hinding hindi yon magiging mabait. May mabait ba na binungangaan muna kami bago kami pakainin
Pero balae? Kelan pa sila naging magbalae. Bakit hindi ako nainform?
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante