Okay, ang nangyari ay nasa kaliwa ko si Dale, nasa kanan ko si Amari at nasa tabi naman nya si Zeus. Pinaalis talaga ni Zeus yung nakaupo sa tabi ni Amari para don sya maupo.
"Good morning class" bati nung prof namin pagkapasok nya
Tumayo ako pati narin si Amari at nakakagulat na tumayo din si Zeus. "Good morning Prof" bati naming tatlo
Nagsiupo ulit kami at nagsimula na yung klase. Nagte-take down notes ako ng mga dinidiscuss ni prof at mga sinusulat sa white board tapos si Amari naman ay pinipicturan lang yung nandon
Si Zeus at nakikinig lang at si Dale, guess what? Naglalaro lang naman sa cellphone nya
"Why are you looking at me?" Tanong ni Dale at tumingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya
"Hindi naman ako nakatingin ah" tanggi ko pa. Tinitingnan ko lang naman yung ginagawa nya
"Okay, you're not looking because you're staring at me" wow! Confident sya ah.
Nakangisi pa sya sa akin kaya iniwas ko yung tingin ko at baka mahuli ako ni prof at akalain na hindi ako nakikinig
"Ang kapal naman ng mukha mo Dale! Bakit ka naman tititigan ng kaibigan ko, hindi ka naman gwapo" sabat ni Amari
"Oo nga naman, dude. Ako lang naman ang gwapo dito kaya sa akin lang sya tititig" pagmamalaki ni Zeus
Napabuntong hininga nalang ako. Ayan na naman sila, kelan ba sila matatapos?
"Magkaibigan talaga kayo, parehas makapal ang mukha nyo. Walang gwapo sa inyong dalawa" I know she's lying
Gwapo naman ang dalawa at sa katunayan ay maaari silang maging model kung gugustuhin nila dahil siguradong tatanggapin agad sila
"Alam nyo, kayong dalawa mga epal. Hindi naman kayo kasali pero sabat kayo ng sabat" inis na sabi ni Dale
Tiningnan ko nalang ulit si Prof at hinayaan ko nalang yung tatlo, hindi ko naman sila masasaway eh
Pero dahil nga sa ingay ng tatlo ay nakakuha sila ng atensyon at pati atensyon ni prof ay nakuha nila.
"Anong pinaguusapan nyo diyan tatlo?" Tanong nito
Okay, lahat ng atensyon ay nasa amin na. Yung tatlo naman ay napatigil sa pagaaway nila
"Wala ka na don" sagot ni Dale
Tumingin sa akin si Prof at kinabahan ako sa uri ng pagtingin nya sa akin. Parang may kasalanan akong ginawa
"Ms, Aviñante" tawag nya sa akin kahit nakita nya naman na nakatingin ako sa kanya
"Why po ma'am?" Magalang na tanong ko
"Ikaw ang katabi ng tatlo na yan, dapat sinasaway mo sila at hindi mo sila hinahayaan na magingay. Alam mo na ngang nagiingay sila sa klase ko pero wala ka parin ginagawa, anong klaseng studyante ka?"
Napatitig ako sa kanga dahil sa sinabi nya. Bakit ako? Hindi naman ako kasali pero ako parin ang pinagalitan. Hindi ko naman kasalanan na nagingay sila ah
Biglang tumayo yung tatlo "Wala kang karapatan na pagalitan sya, kami ang may kasalanan sayo pero sya ang pinagsasalitaan mo ng ganyan! Gusto mo ba mawalan ng trabaho?!"sigaw ni Dale
"Oo nga, kami yung nagiingay dito tapos sya ang pagagalitan mo. Gusto mo ba masuspended ng isang buwan?" Sabat naman ni Amari
Tinuro ni Zeus si Prof gamit ang hintuturi nya "Dapat kami ang sinusuway mo dahil kami yung maingay hindi yung idadamay mo si Margaux, gusto mo bang mawalan ng sweldo ng isang taon?!"
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante