"Sigurado ka ba na papasok ka? Kaya mo ba, anak? Pwede naman ata na umabsent ka muna para magpahinga"
"Nay, okay lang po ako. Ilang araw na akong absent. Kakapasok ko nga lang ulit pero napaabsent na ulit ako"
"Pero baka sumakit ulit ang ulo mo" nagaalalang sabi nya
"Nay, wag kang magalala, magsasabi agad ako sa prof ko kapag sumakit yung ulo ko. Magiingat ako nay, pangako" itinaas ko pa yung kanang kamay ko para maniwala sya
Napabuntong hininga sila ni tatay "Sige, sige. Ihahatid na kita sa school"
"Tay, sinusundo po ako ni Dale. Mamaya lang ay nandito na yon. Wag nyo na po akong ihatid, mapapagod lang kayo"
Actually, nagtataka na nga ako eh. Dapat nandito na si Dale kanina pa pero wala pa sya, hindi pa naman kami malililate kaya okay lang
"Sige, magiingat ka. Wag kang masyadong magiisip. Wag kang magpapakapagod. Naiintindihan mo ba?"
"Opo tay" nakangiting sabi ko
I'm so blessed to have them as my parents. Sobrang maalaga at mapagmahal
Nakarinig kami ng busina kaya agad akong nagmano sa kanila "sabi sayo tay eh, susunduin ako ni Dale. Ayan na sya. Alis na po ako"
"Magiingat ka"
"Opo naman po nay"
Lumabas na ako sa bahay namin pero napahinto ako ng hindi kotse ni Dale yung makita ko, si Zeus at kasama nya si Amari
"Nasaan na si Dale?" Tanong ko
Gusto ko na syang makita para yakapin. Kailangan ko talaga sya ngayon. Hindi ko man pinapakita pero nanghihina ako ngayon
Nagkatinginan silang dalawa "Wala sya eh. Nagtext lang sya sa akin kanina na nakikiusap na sunduin ka"
"Ganon ba? Nasaan daw sya?"
"Hindi ko alam eh. Wala syang sinabi"
Tumango nalang ako at saka sumakay sa backseat ng kotse nya. Tiningnan ko yung cellphone ko para tingnan kung tumawag o nagtext ba sya
'Wala man lang syang text. Ano kayang ginagawa non?'
Gustuhin ko man syang tawagan o itext ay wala naman akong load
Nakarating kami sa school na puno ang isip ko ni Dale. Iniisip ko kung nasaan ba sya at hindi sya ang sumundo sa akin. Kakatawang naninibago ako
Naguusap lang yung dalawa habang ako ay tahimik lang hanggang sa makarating kami sa room.
Agad kong nilibot yung mata ko pero wala pa rin sya. Malapit ng magsimula ang klase ah
Ilang minuto pa akong nagintay hanggang sa biglang nagingay yung mga kaklase ko hanggang habang nakatingin sa pinto
Tiningnan ko yung tinitingnan nila at biglang kumirot yung dibdib ko dahil sa nakita ko
"Magkasama ulit sila!"
"Yieeeeee"
"Muling ibalik ang tamis ng pagibig. Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal 🎵"sabay sabay na kanta ng mga classmates ko
Tinutukso nila yung dalawa. Ngiting ngiti si Jeah habang si Dale ay seryosong nakatingin sa akin
'Kaya ba hindi ko ako nasundo kanina? Kaya ba si Zeus ang sumundo sa akin? Kasi si Jeah ang sinundo mo para sabay kayong pumasok'
Nagiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Itinutok ko nalang ang tingin ko sa harapan ko para umiwas
Nagpatuloy ang asaran sa kanilang dalawa habang nagpapatuloy din ang sakit sa dibdib ko
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante