Napapabuntong hininga nalang ako habang tinitingnan yung mga pinamili namin kanina
Ang daming paper bag sa loob ng sasakyan ni Amari. Meron na sa compartment sa likod ng sasakyan nya pero hindi parin nagkasya don kaya nandito yung iba sa loob mismo ng sasakyan
Pakiramdam ko ay nalugi yung mall na pinuntahan namin dahil sa dami ng mga ito. Wala pa namang bayad lahat ito
Sa tingin ko ay aabutin itong mga ito ng libo libo at nanghihinayang ako don
Si Amari kasi ay hindi tinigilan yung pagkuha ng mga gusto nya kaya ayan tambak
May mga jeans, t-shirts, mga sando, crop tops, off shoulders, dress, shorts, skirts, rubber shoes, sandals, slippers at kung ano ano pang kasuotan
Pumunta din kami sa national bookstore para kumuha ng gamit sa school katulad ng ballpen, papel at kung ano ano pa
Kumuha rin kami ng bag na pangschool at pangalis lang katulad ng shoulder bag
"Kanina ka pa bumubuntong hininga" puna sa akin ni Amari
"Baka kasi malugi yung mall dahil sa atin"sabi ko sa kanya
"Hindi sila malulugi, wag kang magalala. Kulang pa nga yan eh pero ikaw naman kasi ayaw kumuha ng kumuha"
Hindi ko naman kasi kailangan yang mga yan eh. Kaya ko pa naman magtiis sa meron ako ngayon
Grabe na talaga yung natanggap ko ngayong araw. Bukod sa mga ito ay nakatanggap din ako ng cellphone
Marunong naman akong gumamit non kasi nagkaroon na ako non dati kaso nasira at hindi na nasundan pa muli
"Anong ginagawa ng mga yan sa harap ng bahay nyo Margaux?"
Tiningnan ko yung labas, nasa bahay na pala kami agad. Hinanap ko yung tinutukoy nya at nakita ko sila Zeus at Dale na parang inip na inip ng nagaantay sa amin
Bumaba si Amari sa kotse at sumunod ako sa kanya, agad na lumingon yung dalawa sa amin at saka lumapit
"San kayo galing?" Tanong ni Dale sa akin pagkalapit na pagkalapit nya tapos si Zeus naman ay kinurot yung pisngi ni Amari
"Ikaw babae ka, masyado kang gala tapos pati si Margaux sinasama mo pa"
"Aray ko naman, bitaw!"hinampas pa nito yung braso ni Zeus
Binalik ko yung tingin ko kay Dale at napaiwas ulit ako ng makita na masama yung tingin nya sa akin
Wala akong ginagawa ah! Ang sama na naman ng tingin nya! Lagi naman eh
"San kayo pumunta?" Tiningnan ko si Amari na parang sinasabi ko na sya ang magsabi
Aba! Kilala ko si Dale at ngayon ay alam ko na galit sya. Yung tingin palang nya ay malaking patunay na yon. YUNG SCHOLARSHIP KO!!!
Itinaas ni Amari yung dalawang kamay nya na parang sumusuko "Teka lang! Easy lang kayong dalawa. Pumunta lang naman kami sa mall"
"Nagano kayo don?"masungit na tanong ni Zeus
"Ano bang ginagawa sa mall? Duhhh!---Arayyy. Nagshopping ouch! lang kami"muling daing nito ng piningot naman sya ni Zeus
"Nagaalala sayo ang mga magulang mo buti nalang nagpaliwanag na kami sa kanila. Alis ka kasi ng alis ng walang paalam!"
Paano ako makakapagpaalam eh basta na nga lang ako hinila ni Amari eh! Hindi ko nga alam na pupunta kaming mall
"Sorry" bulong ko
Pinitik nya yung noo ko kaya bahagya akong napaaray "anong magagawa ng sorry mo eh nagawa mo na."
Humarang sa harap ko si Amari at tinuro yung dalawa "hoy kayong dalawa! Kanina nyo pa kami sinasaktan ah! Wala kayong karapatan na saktan kami"
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante