Chapter 25

1.4K 38 10
                                    

"may naglipat kaya sa kanya o sya na yung kusang lumipat?"

"Pero hindi pa sya nagigising"

"Pero paano naman sya mapapalipat diyan kung hindi pa sya nagigising. Alangan na nag sleepwalk sya"

"Ewan ko rin, bro. Basta nagising nalang ako na nandiyan na sya"

Nagising ako dahil sa ingay ng dalawang naguusap. Kumunot yung noo ko kahit nakapikit pa ako

"Ang ingay" inis na sabi ko pa at saka umayos ng higa

"Nagsalita sya bro"

"Margaux! Gising ka na" naramdaman ko na may humawak sa dalawang braso ko at saka ako niyugyog

"Ano ba! Natutulog ang tao oh!" Inis na sabi ko

"Gising na nga sya!"sigaw pa nung isa

Inis akong iminulat yung mata ko at tumama yon sa mata ng tanong nakatunghay sa akin

Nabalik sa isip ko kung nasaan ako. Patay! Nakita na nilang gising ako

Tinapik ko yung braso ni Amari para gisingin na rin sya habang hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa kanya

"Ano ba? Ang aga aga pa oh. Nanggigising ka na" reklamo pa nya

"We're dead!" Sagot ko sa kanya

"Anong patay eh buhay pa naman tayo" iminulat nya yung mata nya at pati sya ay natigilan din sa nakita nya

"So gising na nga kayo" sabi ni Zeus na nakataas ang isang kilay

"Kamusta ang pakiramdam mo Margaux, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Saan? Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Dale

"A-ayos lang ako" naiilang na sabi ko dahil sa lapit nya sa akin

"Ikaw, Amari? Wala bang masakit sayo?" Umiling si Amari kay Zeus "sayang!"

"Anong sayang? Sayang na walang masakit sa akin. Ganon ba ibig sabihin mo?"pagalit na tanong nito

"Oo para magtanda ka!"

Ayan na po. Umpisa na ng sermon sa amin. Siguradong sasakit ang tenga namin

Tumayo ng ayos sa harapan namin yung dalawa at masama kaming tiningnan. Sabay na bumukas ang bibig nilang dalawa

"Yan ang napapala nyo--"paguumpisa ni Zeus

"Takas kayo ng takas--" paguumpisa naman ni Dale

"--dahil sa ginawa nyo,--" duktong ni Zeus

"--tingnan nyo ang sarili nyo ngayon--" duktong naman ni Dale

"--kung hindi kayo sumakay--"

"--puro sugat at pasa kayo,--"

"--sa taxi edi sana--"

"--kung hindi kayo nailigtas ay--"

"--hindi kayo magkakaganyan--"

"--baka patay na kayo ngayon--"

"Mahal kita!"sigaw ko

"Tutuparin ko yung tatlong wish mo!" Sigaw naman ni Amari

Sabay silang napatigil sa pagsasalita dahil sa sinigaw namin

Natahimik silang tatlo habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay umakyat sa mukha ko ang lahat ng dugo ko dahil sa sinabi ko. Nakakahiya!

Nakatulala lang sa akin si Zeus at Dale habang si Amari naman ay nakangisi. Napayuko nalang ako dahil sa hiya. Buti nalang wala dito sila nanay at tatay. Kaming apat lang nandito

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon