Margaux POV
"Are you okay? San ka galing? San ka dinala ni Dale?" Nagaalalang tanong sa akin ni Zeus.
Hawak nya yung dalawang braso ko pero umiling lang ako sa kanya.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na iniwan ako ni Dale, ayoko. Baka magaway sila kapag sinabi ko yon. Magkaibigan sila.
"Yung magaling mo lang namang kaibigan ay iniwan sya don sa may tulay. Don sa papuntang kabilang village. Alam naman na walang masyadong dumadaan don pero iniwan nya parin si Margaux. Walang bahayan don at kung hindi ako dumating ay baka wala pa dito si Margaux!"galit na galit talaga si Amari at sa tingin ko ay hindi nya napigilan ang sarili nya na sabihin yon.
Bumakas din ang galit sa mukha ni Zeus"Gago talaga ang lalaking yon, humanda sya sa akin pagnakita ko sya!"
"Bakit kailangan ko maghanda? Ano bang gagawin mo?"sabay sabay kaming napatingin kay Dale na wala pang ilang segundo ay natumba na dahil sa suntok na galing kay Zeus!
"Gago ka! Paano mo nagawang iwan si Margaux sa ganong lugar?!"
Tumayo si Dale at nagulat kami ng gumanti sya ng suntok kay Zeus!
"Mas gago ka! Nangingialam ka samantalang hindi naman dapat!"
Aawatin ko na sana sila ng hinawakan ni Amari ang braso ko.
Nagkakasakitan na sila. Kailangan ko sila awatin!
"Hayaan mo sila, hayaan mo si Zeus. Igaganti ka nya sa gagong Dale na yan"
"Pero baka magkasakitan pa sila"
Patuloy na nagsisigawan ang dalawa. Parehas silang galit na galit!
Nakikita ko na may mga naglalabasan narin na kapitbahay namin para tingnan ang nangyayari. Nakakahiya!
"Wag na wag ka ng lalapit kay Margaux!"
"Hindi mo hawak ang buhay ko kaya wag mo akong diktahan! Wala kang pakialam kung sino ang lapitan ko!"
"Eh gago ka nga! Matapos ng ginawa mo may lakas ka pa ng loob na lapitan sya!"
"Anong nangyayari dito?" Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng bahay namin ng marinig namin don ang boses ni tatay!
Patay!
Nahinto ang dalawa sa pagsisigawan. Si Zeus ay napayuko na parang nahihiya at si Dale naman ay masama ang tingin sa kanya.
Agad akong lumapit sa kay tatay na kasunod si nanay. Kinabahan ako ng makita ko ang galit na itsyura ni tatay!
"Oh! Bakit nagsitahimik kayo ngayong tinatanong ko kayo?! Kanina lang ay ang lakas ng loob nyo na magsigawan dito sa harapan ng bahay namin! Hindi ba kayo nahihiya, may nakakakita sa inyo. Kung gusto nyo magsigawan ay lumayas kayo dito hindi yung dito pa kayo nagiiskandalo!"
"Tay" tumingin ako kay nanay at nakita ko rin sa mukha nya na hindi nya nagustuhan ang nangyari "nay"
"Ano pang ginagawa nyo dito?! Magsialis na kayo. Hindi namin kailangan ang tulad nyo sa pamamahay namin!"
Parang natauhan naman si Zeus at umayos sya ng tayo "pasensya na po"magalang na sabi nito
Bahagyang tumungo si Amari "sorry po, mauna na po kami"
Samantalang si Dale ay basta nalang umalis at lumapit sa kotse nya na nakapark hindi kalayuan sa amin.
Sabay na sumakay si Amari at Zeus sa mga kotse nila at bumusina muna bago iyon pinaandar.
Nakakunot ang noo na bumaling sa akin si tatay "Ganyan ba ang mga kaibigan mo Margaux? Mga walang respeto"
"Pasensya na po tay, hindi na po mauulit"
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante